AKHIRAH: NANGUNOTNOO habang kinakapa-kapa ko si Raiden na katabi ko pero hindi ko ito mahawakan. Napasilip ako ng isang mata at kitang mag-isa na nga ako dito sa kama na mataas na ang sikat ng araw! Napabalikwas akong impit na napadaing nang kumirot ang akin sa biglaang pagkilos ko. "Urgghh! Why it's still hurt? Nawala na ang kirot niya kagabi ah?" impit kong daing. Saka ko lang napansing nakadamit na pala ako. Isang white shirt at boxer briefs na kay Raiden. Napangiti akong napailing na lamang. Binihisan pa talaga ako bago lumabas ng silid. Pasado alas-onse na ng umaga. Paniguradong nasa farm na naman 'yon sa mga oras na 'to. Dahan-dahan akong tumayo nang makitang may nakalagay na pagkain sa bedside table. Kumalam tuloy ang sikmura kong ramdam kong wala na ngang ginigiling ang bituk
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books