AKHIRAH: NAGLAHONG parang bula ang sigla at saya ko sa nakitang yakapan ng dalawa. Kahit pilit kong kinakalma ang sarili na baka magkaibigan lang sila ay iba pa rin ang sinisigaw ng kutob ko sa babaeng hanggang ngayo'y nakayakap kay Raiden. Napairap na lamang ako sa kanila. Lalo lang akong nasasaktan sa nakikita. Pero kahit iniiiwas ko ang mga mata sa kanila ay nakikita ko pa rin naman ang mga ito sa peripheral vision ko. "Anong ginagawa ng isang tanyag na heredera sa aming munting probinsya, hmm?" malambing tanong nito. Kimi akong ngumiti na sinulyapan itong nakangiting matiim na nakatitig sa akin. Naaalibadbaran ako sa kanya pero ayoko namang maging bastos. Baka mamaya ay magkagulo pa lalo na't iba ang tinginan nila ni Raiden. Na tila hindi sila magkasundo ng taong 'to. "Namasyal la