Masaya ang buhay mag-asawa ni Nathalie at Rafa. Bumalik na rin sa trabaho si Nathalie at ang kanyang mommy ang naiiwan sa bahay nila. Habang papasok siya sa building ng Blake company ay may biglang humarang sa kanya na dalawang lalaki.
"Excuse me, Ma'am. Gusto ka makausap ni Sir Jerome." Sabi ng lalaking humarang sa kanya.
Kaagad na napalingon si Nathalie sa likuran niya. Alam niya na kay Jerome ang kotse na naghihintay.
"Pakisabi po na hindi puwede. May trabaho po ako at ayoko ma-late." Nakangiti na sagot niya sa lalaki.
"Kahit five minutes lang daw po." Hirit pa nito.
"Kuya, pakisabi sa boss mo. Kung nais niya akong maka-usap ay magpa-appointment siya sa asawa ko." Nakangiti pa na niya sa mga ito.
Para kay Nathalie ay walang dahilan para kausapin si Jerome. Para saan pa at higit sa lahat alam niya na galit ito sa kanya. Walang nagawa ang lalaki kundi ang bumalik kay Jerome at sabihin ang mga sinabi ni Nathalie.
"Boss, magpa-appointment daw po muna kayo sa asawa niya." Pagbibigay alam nito kay Rafa.
"D*mn it! Umalis na tayo, nagsasayang lang tayo ng oras dito." Utos ni Jerome sa mga tauhan niya. Badtrip siya dahil kailangan pa niyang humingi ng permiso kay Rafa para lang maka-usap si Nathalie.
"B*llshit!" Inis na bulalas nito dahil hanggang ngayon ay badtrip pa rin siya. "May araw ka rin sa akin, Nathalie. Matitikman rin kita, sa ngayon ay kailangan ko munang magtiis. Pero p*nyeta! Naunahan pa ako ni Blake sa 'yo. Sana pala noon pa lang ay kinuha na kita gamit ang dahas." Pagmumura ni Jerome.
Pagkapasok naman ni Nathalie sa company ay kaagad niyang tinawagan ang asawa niya para ipaalam ang nangyari. Nais niya na sabihin ang lahat ng nangyayari sa kanya. Dahil alam niya na iyon ang nararapat na gawin. At para hindi mag-alala si Rafa.
Masayang niyakap ni Trina at John si Nathalie. Namiss nila ang isa't-isa. Malungkot lang dahil kulang na sila nang isa. Hindi na kasi pumasok si Caye at alam nila na may problema ito.
"Sissy, gimik naman tayo mamaya. Ang tagal mo kasing nawala kaya namiss ka namin." Sabi ni Trina sa kanyang kaibigan na si Nathalie.
"Sige," mabilis naman niyang sagot sa kanyang kaibigan.
"It's time to party!" Masayang sigaw ni John dahil sa sobrang excitement niya.
Sabay-sabay na tumawa ang mga ito. Ipinagpatuloy nila ang trabaho. Lihim namang napangiti si Nathalie dahil dumalaw ang kanyang asawa. Wala pa rin kasing nakakaalam sa office nila na may asawa na siya. Paalis na ang asawa niya kaya nag-excuse muna siya na lalabas lang. Kumindat pa si Trina dahil ang alam ng mga ito ay crush niya si Rafa.
Walang gaanong tao dahil working hours ng mga empleyado. Pumasok si Rafa sa elevator at kaagad na sumunod si Nathalie. Pagsara pa lang ng pinto ng elevator ay kaagad na hinapit ni Rafa ang baywang ng kanyang asawa. He claimed her lips. Hinalikan niya ito ng puno ng pananabik. Kaagad namang tumugon si Nathalie sa halik ng kanyang asawa.
"Okay ka lang ba dito?" Tanong ni Rafa sa kanyang asawa. Katunayan ay wala naman siyang ginawa dito. Nais lang talaga niyang alamin ang lagay ng kanyang asawa.
"Yes, honey. Ahmm... Honey, puwede ba kaming gumimik mamaya ng mga friends ko?" Tanong ni Nathalie sa kanyang asawa.
"Okay, basta't kasama ako. Promise, behave lang ako." Nakangiti na sabi ni Rafa sa kanyang asawa.
"Me too, hahaha!" Natatawa rin na saad ni Nathalie.
Pagbukas ng elevator at kaagad na lumabas si Rafa habang bumalik naman sa itaas si Nathalie. Habang naglalakad siya ay hindi niya maiwasang kiligin. Para kasi silang mga teenager na palihim na nagkikita ng kanyang asawa. Pagkatapos ng trabaho nila Nathalie ay kaagad silang umuwi para magbihis.
"D*mn! You're so fvcking hot, hon." Saad ni Rafa dahil ang sexy ng kanyang asawa. Parang ayaw na niya itong paalisin dahil mas gusto na lang niya itong ikulong sa silid nila.
"Honey, i need to go now. Hinihintay na ako ng mga kaibigan ko. See you there, I love you." Malambing na sabi ni Nathalie bago siya lumabas sa bahay nila.
Sinundo na kasi siya ng mga kaibigan niya at nasa labas na ito ng bahay nila.
"Oh my god! Ang yaman mo pala talaga Nath," namamangha na sabi ni Trina sa kanya.
"Naku, nakikitira lang ako diyan. Hindi ako mayaman noh." Sagot naman ni Nathalie sa kanyang kaibigan.
"Pero kahit nakatira ka diyan ang sosyal pa rin." Saad pa nito.
Napangiti na lang siya sa sinabi ng kanyang kaibigan. Maganda nga ang bahay na pinagawa ng kanyang asawa. Halatang pangmayaman talaga ang disenyo nito. Habang nasa biyahe ay masayang nagkukwentuhan ang mga ito. Sobrang namimiss nila ang isa't-isa. Nang nakarating sila sa bar ay kaagad silang nag-order ng drinks. Napangiti si Nathalie dahil dumating na rin ang kanyang asawa kasama ang mga kaibigan nito.
Lumapit sa kanila ang grupo nila Rafa at tinanong kung pwede bang naki-join. Kaagad namang pumayag ang mga kasama ng mga ito. Tumabi si Rafa sa tabi niya at pasimple nitong hinimas ang naka-expose niyang likod.
"Hindi ko nagugustuhan na maraming nakatingin sa 'yo." Bulong ni Rafa sa kanyang tainga.
"Me too, sarap dukutin ang mga mata nila." Pabulong rin na sabi ni Nathalie.
"Alam mo Nath, bagay kayo ni fafa Rafa." Biglang sabi ni John.
"Really?" Nakangiti na tanong ni Rafa.
"Yeah, super bagay. Single 'yan si Nath-Nath baka gusto mo ligawan." Hirit pa ni John.
"Liligawan ko nga, actually I like her." Biglang sabi ni Rafa kaya naghiyawan ang mga kasamahan nila.
Kinilig naman si Nathalie sa sinabi ng kanyang asawa. Sobra siyang kinikilig, paano ba naman kasi ng gwapo ng ngiti nito. Lalo kinilig ang mga kaibigan ni Nathalie nang biglang umakbay si Rafa sa kanyang asawa. Patuloy ang party at abala na ang iba nilang mga kasama.
"Let's dance, hon." Yaya ni Rafa sa kanyang asawa.
Kaagad naman silang pumunta sa dance floor at sumayaw. Nakayakap si Nathalie sa kanyang asawa. Habang si Rafa ay abala sa kakahalik sa leeg ng kanyang asawa. Dinala niya ito sa medyo madilim na bahagi ng dance floor. Nais niya itong ilayo doon dahil na rin sa mga lalaking nais na dumikit sa kanyang asawa.
"Honey, ang gwapo mo, hek!." Lasing na saad ni Nathalie.
"Opo, gwapo ako." Natutuwa na sagot ni Rafa sa kanyang asawa.
"Alam mo akin ka lang, hek! Ako lang mahal mo diba? Ako lang hehehe?!" Tumatawa na tanong niya kay Rafa.
Lasing na siya kaya hindi na niya alam ang mga ginagawa niya.
"Mabuti na lang at kasama mo ako dahil baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo kapag wala ako." Kausap ni Rafa sa kanyang lasing na asawa.
"Thank you, honey. Mahal na mahal kita. Uwi na tayo kasi gagawa pa tayo ng baby hahaha!" Lasing na sabi ni Nathalie.
"Ilang baby ba ang gusto mo?" Nakangiti naman na tanong ni Rafa.
"Gusto ko tatlo, para masaya. Malungkot kasing mag-isa." Sagot naman ni Nathalie.
Kahit na may tugtugin ay nagkakarinigan pa rin silang dalawa dahil nagbubulungan sila. Masaya naman si Rafa sa narinig niya mula sa asawa niya. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan ni Nathalie na ihahatid na niya ito kunwari. Binuhat na lang niya ang kanyang asawa. Konti lang naman ang ininom ng kanyang asawa pero mabilis itong malasing. Pagkarating nila sa bahay ay inasikaso niya kaagad ang asawa niya at natulog sila ng magkayakap.
Kinabukasan ay late na nagising si Nathalie kaagad na hinanap ng kanyang mga mata ay ang kanyang asawa. Pero ang sabi ng kanyang mommy ay umalis daw ito ng maaga. Naligo na lang si Nathalie at pagkatapos ay bumiyahe papunta sa kanyang trabaho.
Pero habang naglalakad siya palabas sa subdivision ay biglang may humarang sa kanya na naka-van. Natakot si Nathalie at hindi niya alam ang gagawin niya. Sisigaw na siya siya ngunit may biglang pinaamoy sa kanya dahilan para nakaramdam siya ng pagkahilo.
"Rafa," huling salita na binigkas ni Nathalie bago ito mawalan ng malay.