Umakyat ulit si Lora para pababain si Arthur. Kumakatok siya pero hindi siya pinapansin ng mga ito. Siguro ay ganun talaga ka-busy ang dalawa sa pakikip*gtalik at hindi man lang nais na maabala. Pero hindi tumigil si Lora dahil patuloy niya itong kinatok.
"Anong kailangan mo?! Nakakaistorbo ka!" Galit na sigaw ni Arthur sa kanya.
"May naghahanap sa 'yo. Lalaking nakamaskara." Sagot ni Lora at bumalik ulit sa baba.
"T*ngina!" Napamura si Arthur dahil sa kasarapan na sila ng pagtat*lik ni Cheska.
Pero nainis rin siya dahil dumating ang lalaking pinagkakautangan niya. Galit si Arthur. Pero mabilis siyang nagbihis para bumaba.
"Magbihis ka na dahil may bisita tayo." Saad nito kay Cheska.
"Okay, daddy." Malanding sagot ni Cheska sa matanda at hinalikan niya ito.
Unang bumaba si Arthur at nakita niyang nakikipag-usap si Lora sa lalaki.
"Honey, paki-dalhan mo naman ng kape si boss." Malambing na utos ni Arthur kay Lora.
"Okay, honey." Pekeng sagot ni Lora sa kanyang asawa.
Mabilis namang pumasok sa kusina si Lora at naiwan ang mga ito sa living room.
"Boss, bakit ka narito?" Magalang na tanong ni Arthur sa lalaki.
"Nakalimutan mo yata na ngayon na ang due date ng utang mo. Wala ka bang balak na magbayad sa akin?" Tanong ng lalaki sa kanya.
Naikuyom ni Arthur ang kanyang mga palad dahil sa inis. Alam niya na ngayon ang due date pero hindi niya inaasahan na pupunta pa ito kaagad dito sa bahay niya para maningil.
"Boss, bigyan mo pa ako ng kaunting panahon. Kulang pa ang pera ko na ibabayad sa 'yo." Sagot naman ni Arthur sa lalaki.
"Hindi ko na problema 'yan. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga tao na hindi kayang tumupad sa napag-usapan. Ano sa tingin mo ang kukunin ko ngayon? Bahay mo o ang asawa mo? Maganda ang asawa mo, hindi ba?" Nakangisi na tanong ng lalaking nakamaskara.
"Huwag naman, boss. Pangako boss magbabayad ako." Kunwaring sagot ni Arthur pero sa loob niya ay mas gusto pa niyang ibigay na si Lora sa lalaki dahil wala naman itong silbi sa kanya.
"Hindi ako aalis ng walang dala." Seryoso pa na sabi ng lalaki.
"Boss—"
"Magkape po muna kayo," alok ni Lora sa mga ito.
Walang pumapansin sa kape. Nakangiti namang bumaba sa hagdanan si Cheska at lumapit sa mga ito. Nakasuot pa ito ng manipis at sexy na damit. Nakatingin ito sa lalaking nakamaskara. Inaakit niya ito sa paraan ng tingin. Gusto namang matawa ng lalaki pero hinayaan niya lang ito. Kilala niya ito kaya wala siyang pakialam sa pang-aakit nito.
"May bisita po pala tayo, daddy? Hi, po ako po si Cheska. Pamangkin po ako ni daddy Arthur." Pakilala ni Cheska gamit ang nakakaakit na boses.
"Mamili ka ngayon, Arthur. Ang asawa mo o ang bahay na ito?" Tanong ulit ng lalaki at hindi pinansin si Cheska.
"Honey, anong sinasabi niya? Bakit ka niya pina-papili?" Tanong naman ni Lora.
"Honey, kasi may utang ako sa kanya at sinisingil na niya ako ngayon."
"Ayoko sumama sa kanya. Honey, please gawan mo ito ng paraan." Kunwaring umiiyak na sabi ni Lora.
"Ako na ang mamimili. Isasama ko ang asawa mo, mababawi mo siya kapag nag bayad kana sa akin."
"Honey, do something. Ayoko sumama sa kanya." Umiiyak na sabi ni Lora.
"I'm sorry, honey. Kukunin kita kapag may pera na ako."
"Boss, i-pangako mo na hindi mo sasaktan ang asawa ko." Pakiusap pa ni Arthur sa lalaki.
"Bibigyan kita ng isang linggong palugit. At kapag hindi ka nakapagbayad ay ang bahay na ang kukunin ko." Sabi nito bago lumabas sa mansyon.
Mas ginalingan naman ni Lora ang pag-arte para maniwala si Arthur. Pero parang balewala lang ito sa lalaki. Alam naman ni Lora na 'yon ang mangyayari.
Nang makaalis na ang mga ito ay ngiting tagumpay si Arthur.
"Finally, wala na ang kontrabida sa buhay ko." Sabi ni Cheska kay Arthur at hinalikan niya ito sa labi.
"Tapusin na natin ang ginagawa natin kanina. Malaya na tayo ngayon na gawin ito." Sabi ni Arthur sabay hawak sa maselang bahagi ng katawan ni Cheska.
Bumigay naman kaagad si Cheska sa matanda. Parehong nagbunyi ang mga ito dahil wala ng sagabal sa buhay na nais nila.
Habang nasa sasakyan ay kaagad na niyakap ng lalaki si Lora. Hinalikan rin niya ito sa labi.
"Are you okay?" Tanong niya dito.
"I'm happy, thank you for saving me." Sagot ni Lora sa lalaki.
Ang lalaking nakamaskara ay ang daddy ni Nathalie. Dinala niya si Lora sa penthouse niya. Mahal na mahal niya si Lora at lahat gagawin niya para dito. Alam rin niya na hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa. Umaasa ang ama ni Nathalie na mabubuo ang pamilya nila sa tamang panahon. Sa ngayon ay may mga importanteng bagay na dapat unahin.
Habang nasa condo naman nila Nathalie ay masaya siyang nag-iimpake dahil lilipat na sila sa kanilang bagong bahay. Pero hindi niya alam kung saan sila banda lilipat.
"Ready?" Tanong ni Rafa sa kanyang asawa.
"Yes, hon. Excited na ako," nakangiti na sagot ni Nathalie.
"Let's go, hon." Nakangiti na sabi ni Rafa.
Si Rafa na ang humila sa mga maleta nila. Ngayong araw sila lilipat sa bago nilang bahay. Masaya siya na makita na masaya si Nathalie. Nais na niya ng tahimik na buhay kaya mas mabuti na lumipat na sila.
Habang nasa biyahe ay masayang nagkukwentuhan ang mag-asawa. Pareho silang sabik na makita ang bago nilang lilipatan. Biglang tumunog ang phone ni Nathalie. Isang unknown number ang tumatawag. Wala sana siyang balak na sagutin pero nagpadala ito ng mensahe. Ang mommy niya pala ito.
Tinawagan niya ito at nagulat siya sa sinabi nito.
"H*yop talaga siya! Wala siyang kasing sama!" Galit na bulalas ni Nathalie.
Hindi niya matanggap na ipinambayad ni Arthur ang mommy niya sa utang nito. Pero nagpapasalamat siya dahil mabait daw ang lalaking kumuha sa mommy niya dahil hindi siya nito sinasaktan at pinapahirapan.
Sinabi rin ni Nathalie na lilipat na sila sa bagong bahay at nais niyang makausap ang lalaking kumuha sa mommy niya. Kaya doon sila dumiretso ni Rafa.
Kaagad na niyakap ni Nathalie ang mommy niya. Nakiusap siya sa lalaki na kung pwede ba niyang isama ang mommy niya sa pag-alis nila.
"Kung nais niyo po ay ako na ang magbabayad sa utang ni Arthur. Marami pong pera ang asawa ko. Hayaan niyo lang po na isama namin si Mommy." Saad pa ni Nathalie sa lalaki.
"Isama mo na siya sa 'yo. Si Arthur ang may utang sa akin at siya ang dapat na magbayad." Sabi pa ng lalaking nakamaskara.
"Maraming salamat po," naiiyak na saad ni Nathalie.
Tumalikod naman ang lalaki at pumasok na sa isang silid. Umalis naman sila Nathalie kasama si Lora. Pagkarating nila sa bagong bahay ay sobrang namangha siya. Mabilis niyang niyakap si Rafa. Ang ganda ng bagong bahay nila at malapit pa ito sa mansyon nila Lora.
"Thank you, honey." Umiiyak na sabi ni Nathalie sa kanyang asawa.
"I love you," ang tanging salita na binigkas ni Rafa.
Masaya naman si Lora habang pinagmamasdan niya ang kanyang anak. Nagpapasalamat siya dahil naging masaya ito. Pero nalulungkot siya dahil hindi pa niya kayang ipakilala ang ama ni Nathalie. Dahil alam niya na hindi pa ito ang tamang panahon.