Chapter 27

1374 Words
"Hon, gusto kong pumasok sa trabaho?" Tanong ni Nathalie sa kanyang asawa. "Nalulungkot ka ba dito?" Tanong naman ni Rafa sa kanyang asawa na si Nathalie. "Medyo, gusto ko talagang pumasok sa trabaho. Saka namimiss ko na ang mga ka-trabaho ko." Sagot naman ni Nathalie sa kanyang asawa. Nalulungkot si Nathalie tuwing wala siyang kasama sa bahay. Sa mga araw na dumaan sa pagsasama nila ay maayos naman. Nais lang talaga ni Nathalie na may ginagawa. Hindi rin niya nais na sumama sa asawa niya dahil alam niyang busy ito sa kumpanya at kapag naroon siya ay talaga namang makakaisturbo lamang siya. “Okay pero, promise me. Kapag may problema at kapag napapagod ka sa trabaho ay sabihan mo ako.” Paalala ni Rafa sa kanyang asawa. "Thank you, honey. Promise lagi akong tatawag sa 'yo kapag nasa trabaho na ako. Sana nga ay tanggapin pa rin ako doon kasi namimiss ko na talaga ang mga kaibigan ko." Malungkot na sabi ni Nathalie. "Tatanggapin ka ni Luke, malalagot siya sa akin kapag hindi. Dapat nga sa akin ka na lang magtrabaho, hon." "Ayoko, dahil alam ko na ibang trabaho ang gagawin mo kapag nasa paligid ako." Sagot naman ni Nathalie sa kanya asawa. Napangiti na lang si Rafa sa naging sagot sa kanya ng asawa niya. Hangga’t maaari ay hindi niya nais na magtrabaho ang kanyang asawa. Pero alam rin niya na nalulungkot itong mag-isa. At nangako siya na susuportahan niya ang lahat ng gusto at naisin ng kanyang asawa. Nasa isipan niya na pagbabawalan lang niya ito kapag nabuntis na niya. Isa sa mga pangarap ni Rafa ay ang magkaroon ng anak at mamuhay na kasama ang kanyang asawa. Kaya ginagawa niya ang lahat para maging safe ang kanyang asawa laban sa mga gustong manakit dito. Masaya silang nag dinner na mag-asawa at nang pumasok si Nathalie sa kanilang silid ay mabilis na tinawagan ni Rafa ang kanyang pinsan na si Luke. "My wife wants to work in your company." Saad ni Rafa sa kanyang pinsan. "Bakit hindi na lang sa company mo?" Tanong naman ni Luke. "Ayaw niya, mas gusto niya na diyan sa 'yo." Tuwang-tuwa naman si Luke sa narinig niya mula sa kanyang pinsan. "Sige tumawa ka pa diyan!" Naiinis na sabi ni Rafa kay Luke. "Sorry bro, sige papasukin mo na lang siya kung kailan niya gusto." "Thanks bro, 'wag mong papabayaan ang asawa ko. Malalagot ka talaga sa akin." May pagbabanta pa na sabi ni Rafa kay Luke. "Oo na, kahit na may problema ako ngayon ay makakaasa ka na safe ang asawa mo doon. Itinago ko nga siya sa tatay niya noon. Baka gusto mo itago ko rin siya sa—” "Subukan mo lang susunugin ko kumpanya mo." Sagot naman ni Rafa sa kanyang pinsan. Tawa lang ang naging sagot ni Luke. Alam naman ni Rafa na may problema ngayon ang pinsan niya dahil sa babaeng mahal nito. Pero alam rin niya na kaya itong gawan ng solusyon ng kanyang pinsan. Wala sa dugo nila ang basta-basta na lang susuko sa laban. Tinapos muna ni Rafa ang alak na iniinom niya bago siya pumasok at tumabi sa asawa niya. Kinabukasan ay maagang pumasok si Rafa sa trabaho. Pagdating niya sa office ay may hindi siya inaasahang bisita. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Rafa kay Jerome. "Binibisita ka, masaya kana ba dahil sinulot mo ang fiancee ko?" "Oo naman, sobrang saya ko. Ikaw masaya ka ba kay Cheska?" Sarcastic na tanong rin ni Rafa sa lalaki. "Sa tingin mo? Don't worry dahil hindi rin naman magtatagal ang pagsasama niyo. Sa akin pa rin ang bagsak niya." Mayabang na saad ni Jerome. "Sa tingin mo hahayaan kita. Kung wala ka ng sasabihin ay bukas ang pintuan ng opisina ko. Siguraduhin mo lang na hindi mo lalapitan ang asawa ko dahil nakikita mo ang hinahanap mo." May pagbabanta na sabi ni Rafa sa lalaki. Hangga't maaari ay pinipigilan niya ang kanyang sarili na magalit sa lalaki. Balewala lang kay Jerome ang pagbabanta ni Rafa. Hindi ito natatakot at tumawa pa ito ng nakakainsulto. "Kakampi mo pala si Xacto Ventura? Galingan niyo sa kampanya dahil hindi siya mananalo." Sabi nito bago nilisan ang office ni Rafa. Napakuyom naman si Rafa ng kanyang kamao sa galit. Talagang hinahamon siya nito. "Panahon na yata para ilagay ka sa dapat mong kalagyan." Saad ni Rafa. Lumabas siya sa kanyang opisina at mabilis na nagmaneho papunta sa opisina ng kanyang Ninong Xacto. "Kumusta kana, inaanak?" Nakangiti na salubong sa kanya ni Xacto. "I'm good ninong, nandito ako para magpasalamat sa pagkupkop mo sa asawa ko." Nakangiti na sabi ni Rafa. "Asawa? Sino? Si Nathalie ba?" Sunod-sunod na tanong ni Xacto sa kanyang inaanak. "Yes po, Nathalie is my wife." Nakangiti na sagot niya sa kanyang ninong. Masaya siya na makita ito ulit. Noong nasa Amerika siya ay ito ang nag-alaga sa kanya kaya mahal na mahal niya ito. Para kay Rafa ay ang ninong Xacto ang pangalawang ama niya. "Tinulungan ko lang siya, hindi ko rin alam na asawa mo pala siya. So, ikaw pala ang tinakasan niya?" Natatawa na tanong ni Xacto sa kanyang inaanak. "Opo, nagalit po sa akin dahil nagsinungaling po ako." Pinayuhan ni Xacto si Rafa. Ayaw niya na matulad ito sa kanya ang kanyang inaanak kaya marami siyang paalala na sinabi. Maraming pinag-usapan si Rafa at Xacto tungkol sa eleksyon at negosyo. At may sikreto na ibinunyag si Xacto sa kanyang inaanak. Ang sikreto na matagal na niyang itinago. Samantala ay pumunta naman si Nathalie sa bahay ng kanyang mommy. Nagbabakasakali siya na naroon ang mommy niya. Miss na miss na niya ito at talagang nangungulila na siya sa yakap at kalinga ng kanyang ina. "Kuya, nandiyan ho ba si Mommy?" Tanong ni Nathalie sa bagong guard sa bahay nila. "Nasa loob ho," sagot naman nito sa kanya. Mabilis na pumasok ai Nathalie sa loob ng kanilang bahay. "Mommy!" Tawag niya sa kanyang ina at mabilis niya itong niyakap. "Anak, anong ginagawa mo dito?" Nagtataka na tanong ni Lora sa kanyang anak. Hindi niya inaasahan na makikita niya ngayon ang kanyang anak. Sobra rin siyang nangungulila dito. Pero tinitiis niya dahil alam niya na safe ito sa puder ni Rafa. "Sobrang namiss na po kita. Tuwing pupunta ako dito ay wala ka at kapag tumatawag ako ay hindi naman kita makontak. Sobrang nag-aalala ako sa 'yo. Ano po ba ang nangyari sa inyo?" Tanong niya sa kanyang mommy. "Nawala ang phone ko anak. At makabubuti na hindi tayo magkita. Ginagawa ko ito para sa 'yo." Malambing na sabi ni Lora sa kanya. "Wow! Hindi naman ako na-inform na may reunion pala ngayon dito." Pumapalakpak pa na sabi ni Cheska habang pababa sa hagdan. Kaagad na kumulo ang dugo ni Nathalie sa narinig niya kaya sinamaan niya ng tingin ang bruha. "Eh ikaw? Bakit ka pa nandito? Diba hindi naman kayo tunay na magtito ni Arthur?" Nakangiti na sabi ni Nathalie pero… Pak! Kaagad niyang sinampal si Cheska. Hindi lang isa kundi maraming beses. Hanggang sa nagsabunutan na silang dalawa. Inaawat naman sila ni Lora. "Kaya pala ang lakas ng loob mo dahil kabit ka pala ni Arthur. Ang kapal ng mukha mo! Malandi ka! At ngayon nilalandi mo pa pati ang asawa ko. Ang kati mo!" Galit na saad ni Nathalie habang si Cheska ay napahawak sa kanyang pisngi dahil nakaramdam na ito ng hapdi. "Gaganti ako sa 'yo at sisiguraduhin ko na itong ginawa mo sa akin ay doble pa ang ibabalik ko sa 'yo!" Galit na sigaw ni Cheska saka umakyat papunta sa kanyang silid. "Nasaktan ka ba anak?" Nag-aalala na tanong ni Lora sa kanyang anak. Ngumiti naman si Nathalie para iparating sa kanyang ina na ayos lang siya. Ngayon lang nailabas ni Nathalie ang lahat ng inis niya kay Cheska. Kinalimutan na niya sana pero nang malaman niya na kabit ito ni Arthur ay umahon ang lahat ng galit niya. Galit siya dahil ang kapal ng mukha ni Cheska na landiin pati ang asawa niya. Hindi na nagtagal si Nathalie dahil biglang dumating si Arthur. Habang nasa biyahe siya ay naalala niya ang flashdrive na binigay sa kanya ng mommy niya. "Ano bang meron sa 'yo?" Tanong ni Nathalie habang nasa kamay niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD