Chapter 26

1658 Words
“Are you ready?” Tanong ni Rafa sa kanyang asawa. Kakarating lang nila galing sa honeymoon at sa bahay ng parents ni Rafa sila tumuloy. 'Yon din kasi ang sabi ng mommy niya. Ramdam ni Rafa na kinakabahan ang kanyang asawa. Dahil na rin sa unang pagkikita ng mga ito. Hindi maganda ang pagtanggap ng mommy niya kay Nathalie. “Kinakabahan ako, hon.” Sagot ni Nathalie kay Rafa. “Magiging maayos ang lahat. Hindi na galit si mommy, alam na niya ang totoo.” Pagpapa-kalma ni Rafa sa kanyang asawa, ramdam niya ang kaba nito dahil sa nanlalamig ang mga kamay nito. Ngumiti na lang si Nathalie para mabawasan ang kaba na nararamdaman niya. Hawak kamay silang pumasok sa loob ng mansiyon ng mga Blake. Nakita niyang pababa sa hagdan ang mommy ng kanyang asawa. “Nathalie,” salubong ng mommy ni Rafa sa kanya. “Magandang gabi po, Madam.” kabadong bati ni Nathalie sa kanyang biyenan. “Mommy, ang itawag mo sa akin anak.” Nakangiting sabi nito. “Okay lang po ba na mommy ang itawag ko sa inyo?” Hindi makapaniwala na tanong ni Nathalie sa kanyang biyenan. “I’m sorry anak, hindi ko lang na pigilan ang sarili ko. Sorry talaga,” hingi nito ng paumanhin sa kanya. Nakahinga naman ng maluwag si Nathalie dahil ramdam niya na totoo ang sinasabi at ipinapakita ng mommy ng kanyang asawa. Niyakap ito ni Nathalie, naiintindihan naman niya kung bakit naging ganun sa kanya ang ginang. Hindi niya ito masisisi dahil malaki ang kasalanan ng kinilala niyang ama sa ina ng kanyang asawa. “Kalimutan na po natin ‘yon, mommy.” Sabi niya sa kanyang biyenan. “Hindi ka galit sa akin?” Tanong ng ginang sa kanya. “Bakit po ako magagalit sa inyo? Wala pong dahilan para magalit ako sa inyo.” nakangiti na sagot niya sa kanyang biyenan. “Maraming salamat anak, sana ay sinabi mo sa akin kaagad na hindi mo pala tunay na ama ang hayop na ‘yon.” “Hindi ko rin po nalaman kaagad, nagulat lang rin po ako. Balak din po niya akong gawan ng masama.” Sagot ni Nathalie. “Anong sabi mo? Hayop talaga siya, wala man lang siyang pinipili. Balita ko ay tuloy pa rin ang pagtakbo niya sa eleksyon.” Galit na sabi ng mommy ni Rafa. “Talaga po?” “Oo, kalaban niya ang ninong ni Rafa na si Xacto Ventura.” “Xacto po?” Pakiramdam ni Nathalie ay kilala niya ito. “Kilala mo siya mo ba siya, hon?” Tanong rin ni Rafa sakanyang asawa. “Oo, siya ang tumulong sa akin noong umalis ako. Sa bahay niya ako tumira.” Sagot ni Nathalie sa tanong ni Rafa. “Wala man lang sinabi sa akin si Ninong.” Parang nagtatampo na saad ni Rafa. Hindi man lang kasi nabanggit ng kanyang ninong ang tungkol sa tinulungan nito. “Pinilit ko lang siya na tulungan ako. Hindi niya siguro alam na asawa mo ako. Mabait siya at minsan dinadalaw niya ako.” Saad pa ni Nathalie kay Rafa. “Oo, mabait talaga ang ninong ni Rafa. Katunayan ay kakabalik lang niya ulit sa Pilipinas. Matagal itong nawala, siguro ay nasa sampung taon rin ang nakalipas.” “Tutulong ang pamilya natin sa kampanya, hon. Okay lang ba sa ‘yo?” tanong ni Rafa sa kanyang asawa. Nais niyang magpaalam dahil ang kinilalang ama nito ang papabagsakin nila. “Oo naman, hindi ko hahayaan na siya ang manalo. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya sa akin. Kaya siguro ganun siya dahil hindi niya ako tunay na anak. Ang ambisyon lang niya ang mahalaga sa kanya.” “Sorry anak, mas mabuti na ‘wag na natin siyang pag-usapan. Tayo na sa hapag, alam ko na pagod kayo sa biyahe.” yaya ng ginang sa mag-asawa. Hindi rin nito nais na malungkot si Nathalie. Nakikita niyang mabuti itong babae. Hindi niya alam pero habang tinititigan niya ito ay parang nakita na niya ito noon. Unang pumasok ang ginang sa dining area. Sumunod naman sila, naging masaya ang hapunan nila dahil tanggap na si Nathalie ng kanyang biyenan. Ito ang nais nilang mag-asawa ang maging maayos ang pamilya nila. Pagkatapos ng hapunan ay umakyat na sila sa silid ni Rafa. Lihim na napangiti si Nathalie dahil halatang ang mga ibang gamit doon ay noong nagbibinata pa lang ito. Sa tingin niya ay hindi na siguro ito namamalagi ng matagal sa bahay ng mga magulang nito. “Hon, minsan ka lang ba umuwi dito?” tanong ni Nathalie sa kanyang asawa. “Yes hon, malayo na kasi kapag dito pa ako umuwi palagi. Pagod ako sa trabaho kaya kapag free time ko na lang ako nakakauwi dito.” “Kaya pala ang mga gamit mo parang noong nag-aaral ka pa. Ano ‘to?” Tanong ni Nathalie ng may nakita siyang maliit na box. “Hon, don’t open that.” kaagad na lumapit si Rafa sa kanyang asawa. “Huh? Bakit? May secret ba dito?” Nagtataka na tanong ni Nathalie sa kanyang asawa. “Sorry hon, pero hindi talaga puwede.” “Okay, may nililihim ka yata sa akin.” Nagtatampo na sabi ni Nathalie sa asawa niya. “Hon, baka kasi iwan mo ako kapag nakita mo ‘to. Matagal na kasi ‘to noong college pa ako.” Paliwanag ni Rafa kay Nathalie dahil alam niya na nagtatampo ito. “Matagal na pala eh, kaya ipakita mo na sa akin.” pamimilit ni Nathalie. “Sige, pero mangako ka. Hindi ka magagalit sa akin at hindi mo ako iiwan.” Sabi ni Rafa sa asawa niya. “Okay, promise.” Sagot naman ni Nathalie kay Rafa. “Okay, here.” Inabot ni Rafa ang maliit na box. Kaagad namang kinuha kaagad ni Nathalie ang box. Dahan-dahan niya itong binubuksan habang si Rafa ay kinakabahan sa magiging reaksyon ng asawa niya. Pagbukas ni Nathalie ay bumungad sa kanya ang mga litrato. Mga stolen shots, at kumunot ang noo niya sa nakikita niya. “Bakit ka may ganito?” Nagtataka na tanong niya. “K-Kasi hon, siya ‘yung crush ko dati noong college ako.” Matapat na sagot ni Rafa sa kanyang asawa. “Talaga? Bakit mo naging crush ‘to?” “Hindi ko alam, basta masaya ako kapag nakikita ko siya. Araw-araw akong pumupunta sa school nila.” “Kilala mo ba kung sino siya?” “Hindi, kasi hon pinalipat na ako sa US ni dad.” “Sa tingin mo saan na siya ngayon?” “Hindi ko alam, siguro may asawa na siya.” sagot ni Rafa sa asawa niya. “Oo, may asawa na siya.” Nakangiti na sagot ni Nathalie. “Mabuti naman, kasi ako may asawa na rin na mahal na mahal ko.” Malambing na sagot ni Rafa sa kanyang asawa at niyakap niya ito. “Pero alam mo ba kung sino ang asawa niya?” “Hon, wala na akong pakialam sa kanya at hindi ako sigurado kung may asawa ba talaga siya. Bahagi na lang siya ng nakaraan ko. At ikaw na ang lahat sa akin ngayon.” “Ayaw mo ba siyang makilala?” Tanong pa ulit ni Nathalie. “Kung wala akong asawa ngayon ay, oo. Kaya hon, hayaan mo na lang ‘yan.” “Paano kung sabihin ko sa ‘yo na kilala ko siya.” dagdag pa na sabi ni Nathalie sa kanyang asawa. “Hon,” tawag ni Rafa kay Nathalie dahil gusto na niya itong tumigil. “Bakit mo ba siya nagustuhan?” “Hon,” warning ulit ni Rafa dahil ayaw niyang ungkatin pa ang nakaraan. “Tinatanong ko lang naman po.” Malambing na tanong ni Nathalie. Ayaw niyang tumigil sa pagtatanong sa asawa niya. “Kasi pinapabilis niya ang t*bok ng puso ko kapag nasa malapit siya.” Sagot na lang ni Rafa dahil naging makulit na ang asawa niya. “Bakit hindi ka nagpakilala?” “Dahil nahihiya ako, torpe ako noon. At hindi ko kayang magpakilala sa kanya, hon.” “Sa gwapo mong ‘yan nahihiya ka?” Hindi makapaniwala na sabi ni Nathalie. “Oo naman, saka ang bata mo pa siya noon. Baka layuan niya ako.” “Sigurado ako na hindi niya ‘yun gagawin. Gusto mo ba siyang makilala?” “Hindi na po.” Mabilis na sagot ni Rafa. “Sayang naman kung ayaw mo.” “Ano ba ang pangalan n—” Hindi na nagawang tapusin ni Rafa ang sasabihin niya dahil kaagad siyang hinalikan ni Nathalie. Mabilis naman niyang pinulupot ang mga braso niya sa baywang ng asawa niya. “Nathalie ang pangalan niya,” nahinang bulong ni Nathalie sa kanyang asawa. Nanlaki naman ang mga mata ni Rafa sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala na ang crush niya at ang asawa niya ay iisa lang. “Really?” “Hindi ka ba naniniwala. Nakalimutan mo ba na nerd ang pinakasalan mo.” Nakangiti na pagpapaalala ni Nathalie sa kanyang asawa. “I’m so happy, I love you. Mahal na mahal kita.” Pinugpog ni Rafa ng halik ang buong mukha ng kanyang asawa. “Hindi ko inaasahan na may magkakagusto sa akin tapos sobrang gwapo pa.” Natatawa na anas ni Nathalie. “Maganda ka hon, ikaw ang pinakamaganda. Ang galing ng tadhana dahil hindi niya hinayaan na mapunta ka sa iba. Talagang inilaan ka niya para sa akin.” Masaya na saad ni Rafa. “Ang swerte mo diba? Hahaha!” Natatawa na sabi ni Nathalie kaya napangiti na lang rin talaga si Rafa. Pangarap lang ito noon ni Rafa pero ngayon ay talagang nangyari na. Sisikapin niyang maging maayos at matatag ang pagsasama nila. Ngayon na magsisimula na ang kampanya ay alam niyang lalong magagalit si Arthur at Jerome kapag nalaman ng mga ito na nakasuporta sila kay Ninong Xacto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD