Bumukas ang pinto at may lalaking pumasok sa loob. Hindi ko nakikita ng maayos ang mukha niya dahil madilim at pula ang ilaw ng paligid. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at napahinto naman ako. “Sino ka?” Tanong niya pero hindi ako huminto. Pamilyar ang boses niya, hindi ko alam kung saan ko ito narinig. “Ang magbibigay ligaya sayo ngayong gabi,” Bulong ko at dahan dahan na hinaplos ang kanyang dibdib. Nanigas naman siya at dahan dahan na napunta pababa ang kamay ko malapit sa kanyang ari. “s**t. Patay ka talaga sakin Marvin.” Naiinis na sabi niya. “Listen, I don’t have time for this, I have a wife.” Sabi niya at akma na sanang aalis pero hinawakan ko ang kanyang kamay. Hindi siya pwedeng umalis dahil hindi ako babayaran ni Marvin kapag hindi ko natapos ang mission ko. Ayokong masaya