Dinala ako ng isang tauhan ng ama ni Luca sa Aklan. Ilang buwan na ang lumipas pagkatapos ma discharge ang anak ko sa hospital. Malaki na si Abelia at medyo nanaba na rin siya. Sobrang ganda ng anak ko at sa kanya lang ako kumukuha ng lakas. Gaya ng usapan namin ng ama ni Luca, kakalimutan ko na ang lahat ng buhay ko sa Manila at dito, mag iiba na ang buhay ko. Sobrang sakit dahil alam ko ang kalalabasan ko dito, alam ko na magbabago na talaga ang buhay ko. Alam ko na hindi na ako babalik sa dati kapag pinasok ko ang bagong trabaho na ito. Pero alam ko rin na para ito sa anak ko, para ito sa mga gamot niya at kanyang pangangailangan kaya kailangan kong mag sakripisyo. Hindi ko makayanan kapag may mangyaring masama sa anak ko dahil sa akin. Eh sa ngayon kung hindi ako binigyan ni Kylie