Nagising ako dahil sa sa isang puting kwarto. Napatingin ako sa paligid at na realize na nasa hospital ako ngayon. Agad kong naalala ang nangyari, nasagasaan ako. Agad kong tinignan ang tiyan ko at nakitang flat na ito kaya napaiyak naman ako. “T-Tulong! Ang anak ko!” Sigaw ko at may mga nurse na pumasok sa loob ng kwarto. “Ma’am kumalma po kayo, ligtas po ang anak niyo.” Sabi niya at napabuntong hininga naman ako. “Tatlong linggo kana pong tulog, buti na lang nakaligtas ang anak mo ngunit premature siya at nasa incubator ngayon.” Sabi niya at napaiyak naman ako. “P-Please, dalhin niyo ako sa anak ko.” Pagmamakaawa ko sa kanila. “Ma’am kailangan niyo po munang magpahinga at kumalma, mamaya, pupuntahan natin ang anak niyo.” Sabi niya at pinunasan ko ang aking mga luha. Gusto ko ng ma