Lunch break. Pero parang hindi rin kami makakain kasi andaming nagpapatingin. Halos hindi kami magkandaugaga sa kakaasikaso ng mga pasyente. May ilan na itinakbo na sa kabilang isla dahil medyo malala na yung sitwasyon nila. Bukas ang scheduled operation at ako ang inassign ni Dr. Luis dahil siya na muna ang mag-aasikaso bukas sa ibang pasyente. "Dra. Lia and Dr. Luis, kain na muna po kayo" yaya ng nurse na kasama namin. Nagkatinginan kami ni Dr. Luis. "Ikaw muna po ang mauna, Doc. Susunod na lang po ako. " tumango si Dr. Luis. Tatapusin ko lang yung natitirang dalawang pasyente. "Bueno gutom na rin naman ako" Dr. Luis chuckled "Sumunod ka ah" tumango ako sa sinabi ni Doc. Lumabas na siya kasunod ang isang nurse, nagsimula naman akong sumubsob sa trabaho dahil medyo kompli