Nagulat ako nang makita ko si Apollo nakatayo sa gilid ng kotse niya at masama ang tingin sa akin. Mabilis siyang lumakad papunta sa amin. At hinila niya ako. "Apollo, let me explain first." "No!" Lumapit siya kay Julian at agad na sinuntok sa mukha. Kaya napasubsub si Julian sa semento. "Apollo!" Nilapitan ko si Julian. Pero hinila niya ako at kinaladkad papunta sa kotse niya. Nakita ko na lang na tinutulungan si Julian ng mga guard mula sa building na tinutuluyan niya. Galit na ibinagsak ni Apollo ang pinto ng kotse bago tuluyang pumasok sa driver seat. "Apollo, please I will explain everything pwede bang makinig ka muna?" "Shut up Zana! Hindi ako tanga masyado akong naging mabait sayo kaya mo ginagawa mo sa akin to! Kung hindi pa ako pumunta sa restor bar hindi ko makikita ang