Maaga akong sinundo ni Apollo kinabukasan. Patungo kami sa bahay nila para kausapin ang wedding planner na mag-aayos ng kasal namin. Labag man sa loob ko na pumunta sa kanila dahil sa nangyari noong dinner namin naki-usap si Apollo sa akin. Kaya wala akong choice kundi ang sumama sa kaniya. Para maging ma-ayos ang kasal namin. Pagdating namin sa bahay nila ay nandun ang mama at mga kapatid niya sa sala. "Magandang umaga po." Nakayukong bati ko sa kanila. "Ate excited na ako sa magiging kasal niyo ni kuya syempre dahil isa ako sa abay!" Nakangiting wika ni Bea. Ngumiti din ako sa kanya. "Nga pala Apollo tinawagan ko si Tallie," Wika ni Ate Monica. "Why?" Tanong niya. "Syempre para naman makapag-suggest siya ng magandang motiff, arranging at flowers niyo." Hindi ko alam kung may