Kung mamalasin ka nga naman. Kakalipat lang namin at malas agad ang dumating sa bahay ko. Hindi na kami nakapag-order ng pagkain ni Naphtali dahil nagdala na ng pagkain si Hance para sa amin. Hindi ko alam kung bakit niya nalaman na dito ang bahay namin at yun ang nais kong tanungin sa kanya. “How did you know? Are you stalking me?” iritado kong tanong sa kanya. “No. As what I have told and said to you earlier, we are neighbors. Papaanong hindi ko malaman na dito ang bahay niyo eh guy next door lang naman ako. We are both at the same area and you are very obvious because there are a lot of trucks and people carrying stuffs and so much more.” mahabang sabi niya sa akin at ako naman ay nakatitig lang sa kanya. “Hance.” seryoso kong sabi habang matalim na nakatingin sa kanya. “What?” para