Prologue
"Mom, please don't leave me here."
"Baby, babalik ako. Babalikan ka ni mommy."
"But when? Should I wait for another year again?"
Nasaktan ako sa narinig ko sa kanya. Hindi ko akalain na dinadamdam na ng anak ko ang hinanakit niya sa hindi ko palaging pagdalaw sa kanya.
"I'll be back baby. I promise."
"Mom please stay."
Nagmakaawa na ito at lumuhod sa harapan ko pero hindi ako dapat magpadala dito. Kailangan kong humakbang palabas at ipagpatuloy ang dapat kong gawin. Unti-unti akong humakbang palabas ng silid, hawak ko na ang doorknob ng pinto ng muling magsalita ang aking anak.
"Mom, I'll wait for you. Even if it takes years for you to come back, I'll wait and I will fight. Hopefully, you'll come back with dad."
Bumangon ako sa aking higaan dahil sa panaginip na paulit-ulit ng bumabalik sa akin. Isang linggo na akong nakakulong sa kwarto at umiiyak. Hindi ko siya kayang iwan pero palaging bumabalik sa akin ang nakaraan. Ang mga bangungot ng kahapon na siyang naging dahil ng mga paghihirap ko ngayon. Paano ako makakapagsimula ulit kung alam ko sa sarili ko na mahal ko pa siya? Susuong ba ako kahit masakit? Kahit na alam kong sinaktan na niya ako at maaaring saktan niya ako ulit?
"Hopefully, you'll come back with dad."
Huling mga salita niya na nagwasak at nagpalamig sa buong sistema ko.
I don't know where to start and how? Paano ko siya hindi bibiguin kung sa simula pa lang alam kong talo na ako? Wala na kami ng ama niya at hindi ko alam kung paano gawing tama ang pagkakamali ko noon.
Dapat na talaga akong bumalik sa Pilipinas. Iiwan ko man siya rito, alam kong ligtas siya dahil nandito ang grandma at grandpa niya. Lahat ng kailangan niya, mabibigay nila kaya hindi ako mahihirapang hanapin ang kahilingan niya, ang daddy niya.
Dinukot ko ang telepono ko at nag-dial, agad naman niyang sinagot ito.
"Yes Ms. Esmeralda?"
"I'm going to the Philippines right away. Find me a ticket. I'm heading to the airport now."
"But Ms. Esmeralda, you will be having your big deal today."
"Dad can handle my transactions and meetings for a week. Understand?"
"Yes Ms. Esmeralda. Right away."
Ibinaba ko na ang telepono ko at nagtungo na sa banyo upang makapaghanda.
Kami ang nagsimula nito kaya kami rin ang tatapos.