Four months. I smiled because of that thought. It's been four months since napag-isipan kong mamuhay malayo sa pamilya ko at malayo sa katotohanan. Maayos naman ang buhay ko at marami na ang nangyari. Naging close kami ni Naphtali at hindi na rin siya ilang sa akin hindi gaya nung nakaraang dalawang buwan. Hindi niya kasi ako masyadong kinakausap at parang natatakot siyang makaharap ako. Kaya nga napag-isipan kong kausapin siya isang araw at sabihing huwag matakot sa akin. “Tayo lang dalawa ang nandito Naphtali. We should depend on each other that's why you don't need to be scared of me. Hindi ako nangangagat okay? Let's help each other.” I said to her one time in a very sincere manner. Mukhang na gets naman agad ni Naphtali ang sinabi ko kaya nagbago na rin sa wakas ang pakikitungo ni