Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, takot, pagkabahala at pagdududa. Pabalik na ako ng Manila. The feeling is so foreign and I'm still trying to convince myself na ito na talaga. This is it! This is the moment that I’ve been waiting for. I am with Ethan right now at siya lahat ang nag-asikaso sa pagbalik ko dito. Alam nina papa at mama kung ano ang mga ginagawa ko dito. They have their power to know my whereabouts. They're not just my parents for nothing. Kahit na nakaupo lang sila sa bahay, alam na nila kung saan ako at kung ano ang ginagawa ko. They will not stop me unless they knew that what I am doing and will do is something I should think about first for many times. “Ven” nakuha ni Ethan ang atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya. “Hm? I’m sorry. Did you say something?”