Katulad nga ng sinabi ni Hance sa akin, bumalik siya kagabi na may dala-dalang pagkain para sa dinner kaya hindi na nag-abala pang magluto ang mga katulong namin. Umuwi rin naman siya agad dahil kailangan daw niyang makausap through skype ang kapatid niya. Bigla ko ring naalala na kailangan kong tawagan si Van. Nagkausap kami kagabi at medyo natagalan rin silang dalawa ni Naphtali sa pag-uusap. Ni wala akong ideya kung ano ang mga pinagusapan nila sa loob ng dalawang oras. Mukhang close na talaga silang dalawa kahit mas matanda ng tatlong taon si Naphtali kay Andreela. Sa tingin ko nga ay marami na silang alam sa isa’t-isa at nakabuo na sila ng relasyon. Nakuha ko naman ang pagkakataon na iyon upang kausapin sina mama at papa. Tumawag ako sa kanila para kamustahin ang kalagayan ni mama at