Episode 8

1290 Words
Amara's POV Naglalakad ako patungong kusina kasama ang kasambahay ni Gab ng mapalingon sila sa akin. Nakatitig sa akin si Gab na na natitigilan, sinuyod nya ang katawan ko mula ulo hanggang paa at ibinalik ang tingin sa aking mukha. Una akong umiwas dahil di ko matagalan ang kanyang mga titig. "Uhm let's eat?" Ani nya sa akin. Hinila nya ang isang upuan na katabi ng kanyang upuan at inalalayan nya akong umupo. Nahihiya man ako ay wala din naman akong magagawa na dahil nandirito na ako sa poder nya. Akma akong magsasandok ng pagkain ng bigla nyang inagaw ang serving spoon. "Ako na babe, gusto ko kumain ka ng marami ha. Masarap magluto si manang Tonya kaya siguradong mapaparami ang kain mo." Seryoso nyang wika habang ipinag-sasandok ako ng pagkain. Heto na naman ang puso ko na halos lumabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito. "Salamat pero hindi mo naman ako kailangang pagsilbihan, kaya ko naman ang sarili ko." Nahihiya kong ani dito. "No, no gusto kong gawin 'to kaya hayaan mo lang ako." Ani nya at pagkatapos ay pinag salinan naman nya ako ng juice at water sa baso. Tahimik kaming kumakain at wala ni isa man sa amin ang maglakas ng loob ang magsalita, maya-maya pa ay nakatapos na rin kaming kumain at tumayo na ako at isa-isa kong nililigpit ang mga plato. "Hey what are you doing?" Gulat nyang tanong sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo. "Uhm... ano kasi... ako na sana ang magliligpit at maghuhugas kung maaari sana." Wika ko dito ng hindi makatingin sa kaniyang mukha. "Hell no! We have maids here and that's their job not yours, so let them do their job." Wika nya na parang naiinis pa yata sa ginawa ko kaya napayuko na lang ako. "Pa-Pasensya na, hindi lang kasi ako sanay ng walang ginagawa sa bahay." Ani ko dito. "Oh well masanay ka na dahil habang nandirito ka sa poder ko ay hindi ka mahihirapan at gusto ko mag enjoy ka lang." Seryoso nyang wika. "Uhm Gab, pwede ba na Amara na lang itawag sa akin ng mga kasambahay mo, ano kasi... hindi naman nila ako amo at isa lang naman akong bisita dito." Nahihiya kong wika sa kanya. Tinignan nya ako ng naka kunot ang noo kaya kunabahan akong bigla, ayoko namang magalit sya sa akin at isipin na nag iinarte lang ako. "No. Gusto ko kung paano nila ako irespeto ganun din ang pag respeto nila sa'yo, naiintindihan mo ba ako?" Seryoso nyang sagot sa akin. "Pero..." Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil pinutol na nya ito. "No buts okay." Maikli nyang ani at napayuko na lamang ako at di na nakipag talo pa dahil mukhang hindi naman ako mananalo sa kanya. "Umakyat ka muna sa room mo at magpahinga ka na, kagagaling mo pa lang ng hospital kaya kaylangan mo munang magpahinga." Ani nya pa sa akin kaya naman ngumiti lamang ako dito ng pilit. Tumango na lamang ako at nagpaalam na sa kanya at dali-dali akong tumungo sa aking silid. Pagkapasok ko sa aking silid ay mabilis kong inilock ang pintuan at naupo ako sa gilid ng kama. Hinanap ko ang aking bag at kinuha ang cellphone na bigay sa akin ni Angela. Pagka open ko ng phone ay sunod-sunod na nagpasukan ang mga text messages ng aking kaibigan. "Best kamusta ka naman dyan ha?" Angela "Best mukhang inienjoy mo naman masyado si pogi at hindi mo ako mabigyan ng pansin." -Angela "Hey best, okay ka lang ba talaga dyan, hala nag aalala ako sayo dahil hindi ka sumasagot" -Angela. Idinial ko ang kanyang numero at ilang ring lamang ay sinagot nya din agad ito. "Omg best! bakit ngayon ka lang tumawag ha, ano nangyari sayo bakit di ka man lamang sumasagot sa mga text ko kahit isa walang reply?" May himig na pagtatampo sa kanyang boses. "Best pasensya ka na ha, nakatulog kasi ako kanina kaya hindi na kita natawagan pa, kamusta si mama?" Saad ko sa kabilang linya. "Okay lang ang mama mo wag kang mag alala at syempre tulad pa din ng dati walang pakialam sayo." Sagot nya na ikinalungkot ko. Pakiramdam ko talaga walang pakialam sa akin si mama. "Best paano kayo nagkakilala ni Mr. Gabriel Ivan Curtis ha? Ikaw ha, may nililihim ka pala sa akin at isa pang Gabriel Curtis." Nagtatampo nyang wika sa akin. "Best hindi ko talaga sya kilala, naaalala mo nuong nag bar tayo, nawala na lamang akong bigla, sa sobrang kalasingan ko sya ang nakasama ko ng gabing 'yun, papunta na ako ng CR at sa sobrang pagkahilo ko ay sa kanyang bisig ako bumagsak." Paliwanag ko sa kabilang linya. "Wait.... Whaaaaaat????? You mean to say na magdamag kayong magkasama at siguradong may nangyari sa inyo. Best isinuko mo na ba sa kanya ang bataan?" Tili nya sa kabilang linya. "Ano ka ba best bunganga mo naman baka marinig ka ng mommy mo, huwag kang sumigaw dyan. Oo sa kasamaang palad naisuko ko sa kanya ang p********e ko best, lasing na lasing ako ng gabing 'yun at hindi ko talaga alam ang mga pinag gagagawa ko ng gabing 'yun, nagising na lamang ako na nasa isang silid na ako at nasa VIP room pala ako ng bar na 'yon" Malungkot kong wika sa kanya samantalang ang aking kaibigan naman ay kilig na kilig at tila ba masaya pa siya sa nangyari sa akin. "Omg best ang swerte-swerte mo isang at Gabriel Ivan Curtis 'yan. Waaaaaaaaah!!!" Tili nya sa kabilang linya kaya naman nailayo ko ang telepono sa aking tainga. "Best wag kang sumigaw at ano ba ang swerte duon best ha? Nawala na ang pinaka iingatan ko paanong naging swerte na maisuko ang pagkabirhen sa isang taong hindi ko naman nobyo o asawa?" Inis ko wika sa kanya. "Ah basta! Kahit nga ako pangarap kong maikama ng isang Gabriel Curtis noh!" Wika nya kaya naman natatawa na lamang ako sa aking kaibigan. " Sige na best magpahinga ka na dyan at kagagaling mo pa lang ng hospital, gabi na at matulog ka na, mag-usap na lang ulit tayo sa susunod ha. Baka bisitahin ka rin namin dyan ni Marco okay, I love you best." Wika nya at naputol na ang aming pag uusap. Tumayo ako at pumasok ng banyo upang maghilamos at mag toothbrush at pagkatapos ay lumabas ako ng banyo at tinungo ko naman ang napakalaking walk-in closet at kumuha ng damit pantulog, isang manipis na lingerie ang napili ko na kulay itim. Pagkatapos kong magpalit ay sinipat ko ang aking sarili sa salamin at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa aking sarili. Ngayon ko lamang nakikita ang kabuuan ng aking katawan, Dati kasi mukha lang nakikita ko sa salamin at wala din naman akong magagarang damit kaya nga iilan lang mga damit ko at ang iba ay galing pa sa aking kaibigan na si Angela. Muli ay isang sipat pa sa salamin ang ginawa ko at tuluyan na akong bumalik sa malaki at napaka lambot na higaan. Ipinikit ko ang aking mga mata at binalikan ng isip ko ang mga nangyari three days ago kung paano saktan ako ni mama at ipahiya sa harapan ng maraming tao, hindi ko na namalayan na isa-isa na palang nagtuluan ang aking mga luha, dumapa ako at isinubsob ko ang aking mukha sa unan at duon ako nagsimulang humikbi. "Mama bakit napaka lupit mo sa akin? Ano ba ang maling nagawa ko sayo para ipagkait mo sa akin ang pagmamahal mo?" Umiiyak kong wika sa aking sarili. Matagal-tagal din akong umiyak hanggang sa hindi ko na lamang namalayan na unti-unti na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD