Episode 7

1290 Words
Amara's POV Binabaybay na namin patungo sa kanyang tirahan, tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kanyang sasakyan wala ni isa sa amin ang nais magsalita kaya tumingin na lamang ako sa gawi ng bintana. Papasok na kami sa isang napakagandang village, pinagbuksan sya ng guard at pagkatapos ay sinaluduhan. "Kayo po pala yan sir good afternoon po." Bati ng guard kay Gab na ginantihan lamang nya ng isang bahagyang tango. Nang makapasok na kami sa loob ng village ay namamangha akong napapatingin sa bawat kabahayan na aming dinadaanan. Mansion, yan lamang ang pwede kong itawag sa mga naglalakihang bahay na aking nakikita. Hindi rin nagtagal ay pumapasok na kami sa isang napakalaking bakuran, nagtataasang bakod at gate, may mga guard sa loob na agad-agad kaming pinagbuksan ng gate at halos sabay-sabay na sumasaludo sa aking kasama. Napapaisip ako, alam kong katangahan man pero sundalo ba itong kasama ko? Ani ng aking isip, kasi naman puro sila saludo dito saludo duon noh. Namangha ako ng makita ko ang kanyang mansion, bahay pa ba ito o hotel na? Tanong na naman ng isip ko. Maya-maya lamang ay pinagbuksan nya ako ng pintuan ng sasakyan. "Tara na sa loob at dahan-dahan lang sa pagbaba." Ani niya sa akin habang maingat nhya akong inaalalayan sa paglabas ng kaniyang sasakyan. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod na lamang sa kanya. Nakanganga ako ng pagbuksan kami ng pintuan ng sa tingin ko ay mga kasambahay nila dahil na rin sa magkakamukha nilang suot na uniporme. "Good afternoon po senyorito." Bati ng mga kasambahay sa kanya na may mga ngiti sa labi. "Ipaghanda ninyo kami ng makakain ng kasama ko at kanina pa kami nagugutom." Maawtoridad nyang utos at mabilis din namang nagsikilos ang mga kasambahay. Hinawakan nya ako sa kamay at hinila na paakyat sa itaas. "Dito ang master bedroom at 'yan ang aking silid. Ito namang katapat ng aking silid ay isa sa mga guest room dito at 'yan ang magiging silid mo." Paliwanag nya sa akin kaya naman ngumiti na lamang ako dito. Binuksan nya ang pintuan ng silid na iyon at iginiya nya ako sa loob. Lumapit sya sa isa sa mga pintuan na nasa loob ng malaking silid na ito at binuksan ito, namangha ako sa aking nakikita, napakaraming mga bagong damit, sapatos, mga bag at kung ano-ano pa at lahat ng iyon ay may mga tatak pa at presyo. "Habang tulog ka pa sa hospital ay inutusan ko na ang aking secretary na ipamili ka ng mga gamit mo kaya lahat ng nakikita mo dito ay sa iyo." Seryoso nyang wika sa akin. Napanganga ako at naitakip ko ang aking kamay sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala na ganon lang kabilis ay naipamili nya ako ng ganyang karaming gamit. "Naku sir! Hindi nyo naman po kaylangan gawin 'yan at hindi ko naman po kaylangan ang mga 'yan, salamat na lang po." Ani kong nahihiya na ng sobra-sobra sa kanya dahil sa kabutihang ipinapakita niya sa akin. "Hey, don't worry about that stuff, that is nothing okay. I want you to enjoy your life here habang nandito ka sa poder ko." Seryoso nyang sabi sa akin kaya naman napangiti ako kahit sobra-sobra na ang hiyang nararamdaman ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, napakalaking kwarto nito halos kasing laki na ng bahay na tinitirhan namin ni mama. Si mama nga pala, kamusta na kaya sya namimiss kaya n'ya ako? Bulong ng isip ko at tumulo ang aking mga luha. Biglang lumapit sa akin si Gabriel at pinunasan ang aking mga luha at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala nya sa akin. "Hey babe, what's wrong? Why are you crying?" Tanong niya sa akin. Umiling-iling lamang ako at yumuko at hindi ko masabi sa kaniya na naaalala ko si mama. "Iiwanan muna kita dyan, iyang pintuan na 'yan ay banyo, lalabas na ako para makaligo ka na at makapag pahinga ka na din para mamaya ay ipapatawag na lamang kita sa kasambahay kapag naka ready na ang pagkain natin." Ani niya sa akin at pagkatapos ay lumabas na din agad ito ng aking silid. Binuksan ko ang pintuan ng banyo at namamangha ako sa aking nakikita, gaano ba talaga kayaman ang taong ito? Jusko napakagandang banyo naman nito, may jakuzi sa pinaka gitna at may maligamgam na tubig na rin dito na punong-puno ng bula at petals ng bulaklak. Inilock ko agad ang pintuan ng banyo at isa-isa kong hinubad ang aking saplot at nagsimula na akong magbabad sa akuzi. Ahhh! Napakasarap sa pakiramdam, napakabango at napakalinis ng banyong ito kaya naman nakakarelax talaga. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nabigla na lamang ako sa isang malakas na pagkakabalya sa pintuan at malakas na bumukas ito. Sa sobrang gulat ko ay napatayo ako na hindi na naalintana na wala ako kahit na isang saplot. Sa pintuan ay nakatayo si Gabriel na titig na titig sa buo kong katawan at nakikita ko ang sunod-sunod na pag-galaw ng kanyang adams apple. Saka lamang ako nahimasmasan at napatili ng napagtanto ko kung saan siya nakatitig. "Ahhhh!!! Anong ginagawa mo dito sir Gab?" Sabay lublob muli ng aking katawan sa tubig na may bula upang itago ang aking katawan na walang saplot. "Ka-Kanina pa kasi ako katok ng katok at tinatawag ang pangalan mo pero hindi ka naman sumasagot kaya sa sobrang pag-aalala ko ay hindi ko na naisip na kumuha ng susi at pwersahan ko na lang binuksan ang pinto, pasensya na kung nagulat kita pero bakit hindi mo ako sinasagot kaninang-kanina pa ako kumakatok at tumatawag sa labas ng pintuan?" Ani niya sa akin kaya naman bigla akong nahiya dahil nakatulog nga pala ako. "Naku sir Gab pasensya na din po kayo hindi ko na po namalayan na nakatulog na pala ako." Ani ko na humihingi ng despensa at alam kong pulang-pula na din ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. "Please, drop that sir and po. Just call me Gab okay." Wika nya kaya naman napatango na ako dito. "O-Okay G-Gab kung 'yan talaga ang gusto mo." Ani ko sa kaniya. "Yes, that's what I want babe, sige na bilisan mo dyan at kakain na tayo." Ani nya at isinara na nyang muli ang pintuan at narinig ko na ang mga yabag nyang papalayo. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan ko ng hindi narinig ang kanyang mga yabag, dali-dali akong tumapat sa shower head at tinapos na ang aking paliligo. Namili ako ng pinaka simpleng damit, isang leggings at crop top ang napili kong isuot. Nakatitig ako sa aking kabuuan sa harap ng salamin, ngayon lamang ako nakapag suot ng ganitong mga damit, umikot-ikot ako sa salamin at napangiti ako, bagay pala sa akin ang mga ganitong kasuotan, kitang-kita ang kahabaan ng aking mga legs at ang kurba ng aking katawan, ang height ko naman ay di rin pahuhuli sa mga nagmomodelo. Magkakasunod na katok ang pumukaw sa akin. Mabilis kong itinali ang mahaba kong buhok kahit basa pa ito at dali-dali kong binuksan ang pinto ng aking silid. "Senyorita pinapatawag na po kayo ni senyorito Gabriel" Ani ng isang kasambahay na mukhang nasa edad 30. "Naku ate Amara na lang po itawag nyo sa akin dahil bisita lang din po ako dito." Ani kong nahihiya at hindi naman ako senyorita. "Naku senyorita hindi po maaari, kabilin-bilinan po kasi ni senyorito na senyorita daw po ang itatawag namin sayo." Ani nya ng may pag-galang sa akin kaya naman napa buntung hininga na lamang ako, kakausapin ko na lang si Gab mamaya pagkatapos ng hapunan tungkol sa bagay na ito. "Sige po ate, tara na po sa ibaba." Nakangiti kong ani dito at iginiya na niya ako sa unang palapag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD