Chapter 5 -Amara-

1900 Words
-Continuation- Amara's POV "Babe nakikilala mo ba ako, or natatandaan mo man lang ba ang nangyari sa atin sa loob ng vip room?" Nagulat naman ako. Babe ba talaga ang tawag niya sa akin? "Po, nangyari po sa atin?" Alam ko naman ang gusto niyang sabihin, pero hindi ko kasi alam ang isasagot ko kaya nagkukunwari na lang ako na walang alam. "Hindi mo ba naaalala ang mga nangyari sa atin sa loob ng VIP room ng gabing lasing na lasing ka?" Tanong nito sa akin. Nanginginig ako, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ibinaling ko ang paningin ko sa kabilang direksyon dahil hindi ko makayanan ang kanyang mga titig, para akong malulusaw na hindi ko maipaliwanag. "Ako ang may ari ng GAB bar na pinuntahan ninyo ng mga kaibigan mo." Ani nya kaya napalingon ako sa kanya. Napaka gwapo talaga niya. Kung gayon ay ito pala ang sinasabi ni Angela sa akin na batang bilyonaryo. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa ibang direksyon, hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin, nakakalusaw. Naalala ko ng gabing 'yon na sinabi sa akin ng aking kaibigan na lahat ng babaeng matipuhan nito ay ikinakama ng lalaking ito, kaya gusto ko tuloy bumunghalit ng iyak dahil mukha yatang isa ako sa naging biktima ng lalaking ito. "My name is Gabriel Ivan Curtis, but feel free to call me Gab if you'd like. Most people find it easier, and I don’t mind at all." Pagpapakilala nya sa akin. Hindi pa rin ako kumikibo at hindi ko sya nililingon dahil punong-puno ang aking isipan ng samo't saring katanungan. "Gusto kong malaman kung gusto mo bang magsampa ng kaso laban sa iyong ina." Nagulat ako kaya naman bigla akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya. "Po? Naku hindi po! Galit lang po si mama dahil hindi ako nakauwi ng gabing 'yon. Ayoko pong magsampa ng kaso kay mama dahil nanay ko po 'yon at mahal na mahal ko po si mama." Kinakabahan kong sagot sa kaniya at naiiyak na ako. Bakit naman niya iisipin na magsasampa ako ng kaso laban sa sarili kong ina? Nababaliw na ba ang lalaking ito? "Walang magulang na sasaktan, ipapahiya at pagsasalitaan ng masasakit na salita ang kanyang anak, lalong-lalo na sa harapan ng maraming tao." Umiling ako. Alam ko namang tama siya, pero si mama ang pinag-uusapan namin dito. Buong buhay ko ay siya lamang ang nakilala kong magulang kaya nga kahit pinagmamalupitan ako nito ay pinakikitaan ko pa rin ito ng pagmamahal, umaasa ako na isang araw ay mararamdaman ko rin ang kahalagahan ko mula sa aking ina. Hinding-hindi ko ipapakulong si mama dahil lang sa nangyari. "Naku hindi na po, uuwi na po ako baka hinahanap na po ako ni mama." Sabi ko at naiiyak na ako habang nakatitig lang ako sa kaniyang mukha. "Hindi ka nya hinahanap, at kung totoong mahal ka niya... dapat nandito s'ya ngayon at inaalagaan ka n'ya, pero kahit alam n'yang nandito ka ay wala pa rin s'yang pakialam sayo. Huwag kang masyadong mabait sa kanya, ang ginagawa niya sa'yo ay isang pang-aabuso." Wika nya pa kaya tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha. Hinawakan n'ya ang aking kamay kaya napakislot ako. May kung anong kuryenteng dumaloy sa buo kong pagkatao at nagsimulang magkalabugan ang kanina lamang ay mumunting pagtibok ng aking puso. Mabilis kong inagaw ang aking kamay at umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi ka na muna uuwi sa inyo pansamantala, duon ka muna titira sa akin at huwag kang mag-alala dahil magkakaroon ka ng sarili mong silid." Napatingin ako sa kanya, gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ang mga ito sa akin, ngunit wala namang salita na gustong lumabas mula sa aking bibig. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay hinarap ko i na siya. Kailangan kong lakasan ang loob ko para malaman ko kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin. "Sir Gabriel, bakit nyo po ito ginagawa sa akin? Hindi naman po tayo magkaano-ano. Hindi mo naman kilala ang pagkatao ko, pero bakit mo ito ginagawa?" Sa wakas ay naitanong ko rin ang kanina ko pa gustong itanong sa kanya. Lakasa lang talaga ng loob ang kailangan ko. "Tulad ng sinabi ko sa'yo kanina, hindi mo ba ako naaalala nuong isang gabi?" Tanong niya sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit inaalala ang mga sinabi niya, ngunit wala talaga akong maapuhap sa aking isipan. Tumingin akong muli sa kanya ngunit sa pagkakataong ito ay pinilit kong makaupo at sumandal sa headboard ng hospital bed, tinulungan n'ya akong makaupo ng makita n'yang medyo nahihirapan ako. "A-ano po ba ang ibig n'yong sabihin? Sa totoo lang ay wala talaga akong naaalala, at ang naaalala ko lamang po ay naghahanap ako ng banyo at may nakabangga ako, wala na akong maalala maliban sa nangyaring 'yon." Ani ko dito at seryoso lamang itong nakatingin sa aking mukha. "We slept together that night, nawalan ka ng malay pero ng magising ka pilit mo akong niyayakap. Alam kong lasing ka at pilit kong pinaglabanan ang aking nararamdaman, ngunit ng hinalikan mo ako sa labi ay hindi ko na natiis pa at may nangyari sa atin ng gabing 'yon." Ani nya na nagpanganga sa akin. Totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito na ako pa talaga ang unang gumawa ng hakbang kaya naisuko ko sa kaniya ang aking p********e? Nakakahiya na ako pa ba talaga ang unang gumawa ng hakbang ng gabing 'yon? Bakit wala akong maalala na kahit na ano tungkol dito? Tumingin ako sa ibang direksyon dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ewan ko ba. Bakit naman kasi nagpakalasing ako ng gabing 'yon? "Wala po kasi akong matandaan na kahit na ano ng gabing 'yon Sir Gabriel, hindi ko po talaga alam ang mga nangyari tungkol sa mga sinasabi ninyo." s**o ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Naiiyak lang ako dahil hindi ako makapaniwala na dahil sa walang kontrol kong pag-inom ay naisuko ko sa lalaking ito ang iniingatan kong dangal. "Okay lang, sabi nga pala ng doctor na sa oras na magising ka ay pwede ka ng umuwi." Ani niya sa akin ngunit hindi pa rin ako makatingin dito. Tumango tango na lamang ako dahil wala ng salitang lumalabas sa aking bibig. Nahihiya kasi talaga ako sa nangyari. "Pero sa bahay ko muna ikaw uuwi pansamantala at hindi ako papayag na bumalik ka sa walang kwenta mong ina." Dagdag nya pang ani sa akin. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang tumango-tango lang muli sa kanya. Siguro nga ay mas mabuti pang duon na lamang muna ako sa kaniya upang maiwasan ko muna ang galit ng aking ina. Natatakot din akong umuwi ngayon dahil baka mapatay na niya ako sa sobrang galit nya. "Dito ka muna at aayusin ko lang muna ang mga bills mo para maiuwi na kita." Pagkalabas n'ya ng pinto ay pumasok naman sila Angela at Marco. Malaki ang pagkakangiti ng kaibigan ko samantalang ako ay nahihiya sa sarili ko. "Best ano na, pumayag ka bang sa bahay n'ya uuwi? Huwag kang matakot, kahit babaero ang isang 'yan, kilala ang pamilya nila na mabubuting tao." Nakangiti n'yang ani sa akin. Tango lamang ang tangi kong naisagot, iniisip ko din kasi si mama kung kamusta na ba s'ya. Huli naming pagkikita ay galit na galit s'ya sa akin. Sana maayos lang ang kalagayan ni mama dahil kahit hindi ko maramdaman ang pagmamahal n'ya sa akin ay mahal ko pa rin s'ya. Pumikit ako at pilit kong pinipigilang tumulo ang aking mga luha. Naramdaman ko ang kamay ng kaibigan ko na humawak sa mga kamay ko na tila ba gusto niyang pagaanin ang aking kalooban. Bumukas ang pinto at bumungad ang seryosong mukha ni Gabriel. Hindi ko siya matignan, nilalamon ako ng kahihiyan na ako pa talaga ang unang gumawa ng hakbang upang may mangyari sa aming dalawa. "Maaari na tayong umuwi dahil naayos ko na ang lahat ng dapat bayaran." Ani nya sa akin. "So, paano best tawagan na lang kita mamaya ha, o kaya naman ay text mo agad ako pag dating mo sa bahay ni Sir Gabriel. Magpapakabait ka duon." Nakangiti n'yang wika sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Huwag kang mag-alala sa mama mo dahil okay lang naman s'ya duon." Ani naman ni Marco sa akin kaya naman napatango na lamang ako. "Salamat sa inyo ha, kung wala kayo baka matagal na akong bumigay. Salamat dahil lagi kayong nandyan at handang tumulong sa akin." Heto na naman at naiiyak na naman ako. Dapat maging matapang ako, pero mahina lang talaga ang loob ko. "Ano ka ba, para naman tayong hindi mag best friend n'yan eh! Alam mo namang mahal na mahal kita best at handa ka rin naming tanggapin sa bahay kahit anong oras, basta magsabi ka lang ha." Ani naman ni Angela sa akin. "Alam ko naman 'yon best kaya nga nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng panginoon ng mga taong katulad ninyo, maraming salamat, at Marco ikaw din babantayan mo yang best friend ko ha." Ani ko sa mga ito. Natawa naman si Marco at inakbayan pa nito ang kaibigan ko. "Oo naman! Akong bahala dito, pag matigas ang ulo ng isang ito ay itutulak ko sa ilog para malunod na agad." Natatawa nyang ani kaya naman natawa na ako. Inis na inis naman ang best friend ko at tinulak pa si Marco upang makabitaw sa pagkaka-akbay sa kanya. "Tse! Tigilan mo nga ako! And FYI! Marunong akong lumangoy noh, hmp!" Inis na ani naman ni Angela dito. Nakita ko naman na natatawa ng simple si Gabriel. Mukha nga itong mabait, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "Baka magkatuluyan na kayo niyan." Pagbibiro ko. "Hay naku best! Kahit s'ya na lang nag iisang lalake dito sa mundo ay hinding-hindi ko 'yan matitipuhan noh!" "Lalo na ako noh! Hindi ako mahilig sa hipon." Pang--aasar ni Marco na ikinasalubong naman ng mga kilay ni Angela. "Hoy sira ulo ka! Sino ang hipon ha, ang kapal ng mukha mo hindi ako mukhang hipon!" Galit na galit n'yang wika habang hinahampas sa braso si Marco na natatawa naman kay Angela. "Kayo talaga, tama na nga 'yan at baka mamaya ay magkapikunan pa kayo. Nakakahiya naman kay Sir Gabriel at dito pa kayo sa harapan n'ya nag-aaway." Napatingin naman ako kay Gabriel na nakasandal lang sa may dingding at nanunuod sa pagtatalo ng dalawa kong kaibigan. 'Oh my God, ang gwapo!' Bulong ng utak ko. Mabilis kong binawi ang tingin ko, nakakahiya kung mahuhuli niya ako. "Uhm, sir aalis na po ba tayo?" Tanong ko kay sir Gabriel. Nakakahiya naman kasi na pinaghihintay pa namin ito. Sa tingin ko sa taong ito... bawat segundo sa kaniya ay mahalaga. "Yes, but before anything else, please stop calling me 'sir.' Just call me Gabriel, or Gab if you prefer. It's much more casual that way." Seryoso niyang ani sa akin kaya naman napayuko ako. "Okay Gab, salamat." Sagot ko at nginitian ko s'ya sabay yuko muli ng aking ulo. "Sweeeeet.... Gab talaga?" Pang-aasar ng kaibigan ko na pabulong sa akin. "Ikaw talaga, tara na nga!" Ani ko at inalalayan na ako ni Angela na tumayo. Kinuha naman ni Gab ang kamay ko at siya na ang umalalay sa akin. Ang bilis ng pagtibok ng aking puso, pakiramdam ko ay para na itong sasabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD