ALESSANDRA'S POV Ang bilis ng panahon dalawang taon na ang kambal ko. Sa dalawang taon hindi nagkulang si Sir na bigyan ng kung ano ano ang mga anak ko. Lalo na noong nagbirthday ang kambal. Si Sir Philippe ang sumagot ng panghanda sa kaarawan nila. Tinatanggihan ko na pero siya pa din ang nasunod. Kaya wala akong magawa kung hindi pagbigyan na lamang ang boss ko. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo. Pero laging takot at pangamba ang nsa sistema ko. Alam kong mali na itong ginagawa ko, nasa malapit lang ang ama ng kambal pero wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang totoo. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin noon. Hindi ko nga alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para ilihim sa kanya ng ganoon katagal. Madalas narito sila Sir Danilo at Ma'am Eli