Episode 16

725 Words

ALESSANDRA'S POV Bagong suweldo kaya naipasyal ko sa mall ang dalawa. Naipangako ko na sa kanila last time na mamasyal kami sa mall. Hindi ko na rin kasi nagagawang ipasyal ang dalawa kada linggo. Minsan lang sa isang buwan kami nakakalabas upang mamasyal sa mall. Nagtitipid ako sa gastos namin sa isang buwan. May yaya pa ang anak ko kaya dagdag sa budget ko ang pambayad sa suweldo rito. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi s'ya nagrereklamo kapag delay ang sweldo n'ya kapag kinakapos ako. Habang naglalakad hindi magkamayaw ang dalawa sa kakatingin sa paligid. Tuwang-tuwa ang dalawa sa nakikita nila.  "Ess?" napatingin ako sa tumawag sa akin. Lumapit ito sa amin napatingin ang kambal kay Henry. Para silang nakakita ng artista. Hinila ni Lessandro ang laylayan ng blouse ko kaya napayuko a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD