Alessandra's POV "NAPAKASAYA naman dahil nagkaroon tayo ng team building at puwede pa nating makasama ang mga family natin." Sabi ng ka-officemate kong si Magdalena. Isinama nito ang anak pero hindi nakasama ang asawa nito dahil may trabaho at hindi puwedeng lumiban sa trabaho. Ako naman ay isinama ko ang kambal. Sila lang naman ang mayroon ako wala ng iba. Kahit alam kong mahihirapan ako sa dalawang makulit kong anak ay okay lang. Sigurado akong masisiyahan sila, lalo pa't first time nilang gumala ng malayo. Kadalasan naman kasi panay sa mall lang ang pinupuntahan namin kaya bago itong lugar sa kanila. Nung sinabi ko nga sa kambal na may pupuntahan kami ay laking tuwa nila at hindi na nakatulog kinagabihan. Nakagagaan sa pakiramdam na nakikita kong masaya ang mga anak ko. Hindi man komp