ALESSANDRA'S POV "Thank you for this wonderful day. I have a good time spending time with your kids." sabi ni Sir sa akin. Narito na naman siya dinalaw ang kambal. Kaya ang dalawa masaya na naman dahil may pasalubong ang boss ko. "Salamat po pala Sir sa binigay mong mga laruan. Sana po hindi na kayo nag-abalang magbigay muli. Pasensya na din sa mga anak ko may pagkamakulit sila" nahihiyang paumanhin ko. Para kasing nasasanay na ang dalawa kay Sir Philippe. Kahit galing sa trabaho at pagod nakukuha niya pang dumalaw dito. Nagpaalam na din si Sir Philippe dahil malalim na ang gabi. Hinatid ko siya sa labasan. Buti hindi na niya ako hinalikan baka hindi na naman ako makatulog ng maayos kapag hinahalikan nya ako kahit sa noo lang. Pati yung pagtawag niya sa akin ng hon. My god natetense a