Chapter 6.1

427 Words
Chapter 6.1 Kanina pa ako pasilip silip sa locker room ni Brix. Tume tyempo ako na mailagay ang drawing ko. Nang makita ang huling tao na lumabas ay mabilis akong pumasok sa locker room nila at isinilid ang drawing ko sa locker niya. Papalabas na ako nang biglang may naghahalikang pumasok. Agad akong nagtago dahil baka makita nila ako. "Ohhh, lower" ungol ng babae dahilan para mapapikit ako. My god palagi na lang ba akong makakarinig ng ganito! "Yes, more please" hiling ng babae. Hindi ko kayang tagalan ang ganitong mga tunog kaya naglakas loob akong lumabas. Dahan dahan kong hinakbang ang paa ko para hindi makagawa ng kahit anong ingay at hindi makaistorbo. "Ohhhhhh, you're so good Brix" napahinto ako nang marinig ang pangalang binanggit. Hindi ko alam pero biglang bumaling ang tingin ko sa direksyon na pinagmumulan ng ingay. Nakita ko ang babaeng nakapikit habang hawak ang buhok ni Brix. Si Brix naman ay humahalik sa leeg ng babae. "Oh my gosh" naitulak ng babae si Brix nang magtama ang mga mata namin. Napalingon sa direksyon ko si Brix at bakas sa mata niya ang pagkagulat. "Laina" tawag nito sa pangalan ko pero mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng locker room. Hindi ko alam pero badtrip na badtrip ako sa nakita ko parang gusto kong bawiin yung ginawa kong drawing. "Laina" natigil ako sa paglalakad nang biglang lumitaw si Brix sa harapan ko na isinusuot ang tshirt niya. Napairap ako sa kanya at iiwasan sana siya para makapaglakad pero hinarang niya ulit ako. Paulit ulit niya kong hinaharanagan sa tuwing gugustuhin kong lagpasan siya. "Ano ba?!" inis kong sabi sa kanya. "Ah... sorry" sabi nito na ikinagulat ko "Para saan??" "Dahil sa nakita mo. I know its not what......." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya "You don't have to explain Brix. Wala kang obligasyon sa akin at di ko kailangan ng kahit anong paliwanag" inis kong sabi sa kanya "now, can I go?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. "Laina, I'm really sorry. It won't happen again" sabi nito at kinuha ang kamay ko para hawakan. Mabilis kong iwinaksi ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Wag mo kong hawakan. Mamaya kung saan saan mo pa yang pinasok at hinawak. Nakakadiri ka" asar kong sabi sa kanya. Nakita ko ang bahagyang paninigas ng katawan ni Brix bago tuluyang nawalan ng emosyon ang mga mata niya. Malalamig ang mga sumunod na tingin niya sa akin bago napapikit. Tinitigan niya ako sa mata at inilibot ang kanyang mata sa aking mukha bago tumawa at umiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD