Chapter 5.2
"Aaaaayyy, bakit ba kasi si Brix ang iniisip mo Laina!!!! Wala ngang pakialam yun sayo eh baka nga kasama pa nun si Raya at masaya silang kumakain ngayon" tumayo na lang ako mula sa pagkakahiga at sumilip sa veranda.
Napapikit ako nang dumantay ang malamig na hangin sa aking balat. Pagdilat ko ng mata ay napangiti ako sa ganda ng kulay ng langit dahil sa papalubog na araw.
Sandali akong tumayo sa veranda para mawala ang mga iniisip ko nang makita ang paghinto ng sasakyan ni Kuya Summer. Mula doon ay lumabas ang mga barkada niya. Hinabaan ko ang aking leeg dahil may partikular akong tao na hinahanap.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang pagbaba ni Brix. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong unti unti na namang bumibilis ang t***k ng puso ko. Napatingin ako sa dibdib ko.
"Hoy! Bat ganyan ka kung tumibok? Ayos ka lang ba?" nag angat ako ng tingin at sa pagkakataong ito ay nahuli kong nakatayo si Brix at nakapameywang habang diretsong nakatingin sa lugar kung saan ako nakatayo.
Nginitian ko siya at kinawayan pero tinitigan lang ako nito. Walang reaksyon sa mukha niya bago sumunod kila Kuya Summer papunta sa garden namin.
Isa isa silang pumwesto sa garden at naglabas ng inumin ang mga kasambahay namin. Mukhang mag iinuman na naman sila. Pumasok muna ako sa kwarto para makapaglinis na din ng sarili at nang matapos ay muling sumilip sa veranda.
Kita ko ang masayang pag uusap ng mga barkada ni Kuya at napangiti ako nang makitang may hawak na gitara si Brix at tumutugtog.
Kinuha ko agad ang sketchpad ko at lapis. Umupo ako sa veranda at nagsimulang iguhit si Brix. Nahirapan ako nung una dahil ang kulit niya. Pabago bago siya ng posisyon pero di kalaunan ay nakuha ko rin ang magandang anggulo niya.
Ngayon ko lang napagtanto na talaga nga palang gwapo din tong sungit na to. Lalong lumapad ang ngiti kong makitang maayos ang kinalabasan ng gawa ko.
"Ikaw na lang ang ibibigay ko kay Brix. Sana magustuhan niya" sabi ko at itinaas ang dalawa kong kamay para patunugin ang mga daliri ko dahil napagod ako sa ilang oras na pagguhit.
Napalingon ako sa cellphone ko nang umilaw iyon. Tinignan ko ang messenger ko at may isang message request doon.
Binuksan ko yun at nagulat akong pangalan ni Brix ang lumabas. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Bahagya niyang tinaas ang cellphone niya at ginalaw yun. Nakuha ko naman ang mensahe na gusto niyang sabihin.
Binuksan ko ang mensahe ni Brix.
Brix: Get inside Laina. It's getting cold
Hindi ko alam pero nagdulot iyon ng saya sa puso ko. Nilingon ko siya na ngayon ay nakangiti habang nakikipag usap sa mga kaibigan. Mabilis akong nagtipa ng reply sa kanya.
Me: I'll go inside later. Papalamig lang
Sinilip ko siya at nakitang binasa niya agad ang mensahe ko. Ilang sandali pa ay nareceive ko ang message niya.
Brix: Buksan mo ang aircon mo sa kwarto at dyan ka magpalamig. Get inside and your clothes are too revealing! Get inside now! Wag mong hintayin na akyatin pa kita dyan!
Lalong lumapad ang ngiti ko at napasandal pa sa upuan na kinauupuan ko habang nagtitipa ng reply sa kanya.
Me: Ayaw!
Sinilip ko si Brix at nakakunot ang noo nito na tumingin sa akin. I stuck my tongue out to him at nakita ko kung paano siya napahawak sa batok niya at hilutin iyon ng bahagya. Natawa ako sa naging reaction nito.
Brix: Stop teasing me Laina! Get inside your room now! You might get cold yung suot mo pa parang kinulang sa tela!
Hindi ko mapigilang matawa ng malakas dahil sa message na to. Parang naririnig ko ang boses niya habang binabasa ang mensahe.
Brix: I'm serious Laina! Pumasok ka na sa loob. My friends might see you. I don't want to see them gawking at you. Pasok na.
Nawala ang ngiti ko sa labi nang mabasa ang huling mensahe ni Brix. Hindi ko alam pero parang kinikiliti ang puso ko dahil sa huli nitong sinabi. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. He just stared at me without any emotion in his eyes.
Hindi ko alam pero agad na nagsipagtayuan ang balahibo ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi ko kayang tagalan ang tinging ginagawa niya kaya naman mabilis akong tumayo at sinikop ang mga gamit ko at pumasok sa loob ng kwarto.
Isinara ko ang pintuan at napasandal doon habang dinadama ang mabilis na pintig ng puso ko. Napadilat ako nang mag vibrate ang cellphone ko
Brix: Good girl! ?
Napakagat ako sa labi at napapikit nang mabasa ang kakapasok lang na mensahe ni Brix.
Why am I feeling this way........