HARUTAN KAMING NAGLAKAD ng tropa papasok ng classroom. Nakasalubong namin ang grupo nina Kristan – nagkatapan at huminto kami sa paglalakad sa gitna ng hallway. Tinginan ang lahat sa ‘min. Di naman kami gangster at di rin naman gangster sina Kristan, well mukha lang sila dahil sa asal nila. Pero kapag nagkakatapat kami, daig pa ang clash ng group of gangster na akala mo magpapatayan. “Pre.” si Jasper at nag-apir sila ni Kristan. What? Si Kristan nag-smile naman. Ngayon ko lang nakita yung ngiting tao niyang yan. “Pre?” si Kristan sa ‘kin at nag-aalok makipagkamay. Napakunot-noo ako tapos tingin-tingin sa tropa with what-the-hell-happening-here? Talagang big question mark sa ‘kin ang tagpong ‘to. Napanganga pa ako. Mukhang ang dami kong na miss na pangyayari sa tropa. “Pre?” ako