~LUMIPAS ANG DALAWANG ARAW~ > CHELSA’S POV “Anak, ba’t simangot ka na naman?” tanong ni mama. Naghahanda kami ngayon ng baunin ko sa school. “Wala po, ma. Medyo naaantok pa po kasi ako.” Sagot ko. Pero ang totoo, naiinis ako. Siraulong Nate yun! Pinaglalaruan talaga ako. Matapos namin mag-usap di na ako pinansin. May patali-tali pa ako ng buhok. Kapag nagkakasalubong kami tinataas ko pa ang ulo ko para kita leeg ko – pero di man lang ako lingunin! Nakalaklak yata ako ng isang boteng assuming pills mula nang mag-usap kami? Ogag naman kasi ang taong yun! Ako naman kasi si tanga, paniwalain! Sa nakalipas na dalawang araw ang maintain lang ang pangbu-bully sa ‘kin nina Joyce at ng ibang student – in fairness consistent. Akala