Chapter 5

1145 Words
> NATE’S POV   “DONATO!”   “Donato!”   “Donato!”   “Mom?” naalimpungatan naman ako sa sigaw na yun at sa lakas ng katok. Si mommy ‘to sigurado! Siya lang ang tumatawag ng – ugh! Donato? Yeah! That’s my real name. And I hate that name! Nagtulog-tulugan ako at nagtakip ng unan sa tainga ko. At ayun, narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto. Naka-lock yun, eh? Si mommy talaga!   “Wake up! Wake up! Baby Donato!” What? Baby Donato? At tinapik-tapik pa ako sa puwet! Ugh! Ba’t ba lagi niyang ginagawa sa ‘kin ‘to?!   “Mom, baby Donato?” napaupo tuloy ako at nakasimangot na hinarap siya.   “Ang cute-cute! Cute-cute talaga ng cutie-pie kooo!” ayun, pinagtawanan lang ako at kinurot-kurot sa pisngi. Cutie-pie? Seriously?                         “Mom, di na ako bata! Teenager na ako! May girlfriend na nga ako, di ba?” angal ko.   “Para sa ‘kin, ikaw pa rin ang baby boy kooo!” Ugh! Kurot-kurot niya pa rin ako!   “Donato? Nate! Mom, Nate!”      “Neyt-neyt ka dyan? Ano bang ayaw mo sa pangalan mo? Ang lolo mo nga gustong-gusto na tinatawag siyang Donato.” And I hate my lolo for that! Bakit ba kasi sa dami ng pangalang maiisip ng mama ng lolo ko, eh, Donato pa ang binigay sa kanya? At ‘tong si mommy naman sinunod pa sa lolo ko yung name ko! Haist!   “Nate, na lang kasi!”    “Okay, Nato na lang?”    “Nato? Really mom? Seriously?” ayun ngumiti lang sa ‘kin at tumango-tango. Nato? Parang nauto lang! Tagal na naming isyu ni mom ‘to. Kulit niya talaga!   “Cute naman, hah?”   “Aaahh!”   “Ba’t lagi mo akong sinisigawan? Mommy mo ako! Kararating ko nga lang ginaganyan mo ako! Kilay mo salubong na naman!” at sumigaw rin siya, tapos yun, aayusin niya yung simangot na kilay ko ng kamay niya tulad nang lagi niyang ginagawa kapag badtrip na ako sa pangtitrip niya.   “Nantitrip na naman kasi kayo, eh!”   “May pasalubong pa naman ako sa ‘yo.” Nag-duck face siya. Nagpipiling bata na naman ‘to!   “Ashtray?” tumango siya. Lumiwanag ang mukha ko.   Yes! May dagdag na naman sa collection ko! I collect ashtray and I don’t know why? Di naman ako nagyoyosi, bilin kasi nila yun sa ‘kin. Di baleng uminom basta wag magyosi. Pero ewan, gandang-ganda kasi ako sa ashtray. Yung may design na ashtray nga lang pala ang kino-collect ko di yung plain lang.   “Miss you, ‘nak.” Niyakap ako ni mommy.   “I miss you too, mom.”   “Kiss mo si mommy.” Ayun nag-kiss naman si ako. Nato na – nauto na.   “Si dad?” tanong ko.   “One week pa siya dun. I need to do something urgent, kaya nauna na ako.”   “Pahinga na po kayo.”   “Later na. Pagkaalis mo na. I prepared breakfast for us. Kaya halika na.” hinila ako ni mom at nagpahila na lang ako. Di rin ako titigilan nito, naghanda pa naman.   Na-miss ko naman din talaga si mommy. Ang kulit nga lang niya! Tinawagan ako ni daddy, tinanong kong pinagtripan na naman daw ako ni mommy? Haist! Ano bang bago? Nakangiti si mommy habang nag-uusap kami ni dad, pero alam kung may dinaramdam siya. I know it’s because of dad.   I never mentioned about our family problem to anyone. Even sa tropa ko. Si mom, akala niya di ko pa alam ang tungkol sa ibang babae ni dad. Laging laman ng kwento niya na miss na ako ni dad. That dad is a great and responsible father. I didn’t get it and I don’t understand her. Pero siguro ganun niya kamahal si daddy. Mahal ko din naman si daddy pero di ko siya tutularan. At di ko maiwasang magkaroon ng sama ng loob sa kanya. ~~~ NAPAAGA TULOY AKO rito school. Si mom kasi! Tapos mali-late pala si sir panot kasi may biglaan silang meeting ng mga teachers regarding siguro sa JS prom?   “Oh, s**t!”        “What?” si Edward.                           “Valentine’s day ngayon, di ba?” tanong ko.   “May something talaga sa ‘yo?” ito na naman ‘to! May kung anong pumasok sa isip na naman nito! Nagtatanong lang ako, eh?   “Anong something?”   “I knew it! I knew it! Nung first Valentines niyo ni Cristy, excited na excited ka. Pagka-Feb pa lang nagre-ready ka na. Tapos ngayon, nakalimutan mo? Are you fall out of love with her? May iba na? Siya ba?”   “Wow, hah? Sulat mo yan! Baka maging book na! Tamang hinala ka na naman! At sinong siya?” tiningnan lang ako ng adik na ‘to na parang napakasinungaling kung tao. “Tama na nga! Samahan mo na lang ako!”   “Where?”   “Sa flower shop.” Buti meron malapit dito sa school.   “Gagawin dun?”   “Malamang bibili ng gamot? Sumakit ulo ko sa ‘yo!” at hinila ko na si Edward palabas ng room. Buti nag-CR sina Cristy at Lhyn. Kaya pala kanina nakasimangot si babe? Pero in fairness di man lang napansin ni Edward yung joke ko tungkol sa pagbili ng gamot. Haist! Pinag-isipan ko yun, eh!   Pagkalabas namin nakasalubong namin sina Jasper, Karl, Kyle at Zab. At may mga dala silang bulaklak? Mangtitrip na naman ‘tong apat na ‘to. Wala naman ‘tong mga girlfriend dito, eh. Si Karl, Kyle at Zab college na gf nila at wala na dito sa school. Si Jasper? Ah, paktay ka Lhyn.   “Ano yang dala mo?” tanong ko kay Jasper.   “Di ba obvious na bulaklak?” sagot niya at tinaas pa.   “Santan at may ugat pa?” ngumiting aso lang ang mokong! Patay ka talaga Lhyn.   “Punta n’yo?” si Zab.   “May bibilhin lang.” sagot ko at naglakad na kami ni Edward.   “Wala kang na-prepare ‘no?!” sigaw ni Jasper.   Napalingon tuloy ako at tiningnan siya ng masama. Baka marinig pa ni Cristy. “Bunganga mo!” sigaw ko.   Si Edward pasimpleng pinagtawanan pa ako. Thanks sa support, bro! “Bili kaming gamot!” natatawang sigaw pa niya kina Jasper. “Na-gets ko na joke mo!” halakhak na sabi siya sa ‘kin. Siraulo lang. Bilis maghinala pero slow.   ~~~ PALABAS NA SANA kami ng gate nang pumasok naman si…   “Excuse me girl?” mahinang sabi ko. Pero narinig ata ni Edward dahil tiningnan niya ako. Ba’t ba sa exit siya pumapasok? At ba’t ba bigla na lang ‘tong sumusulpot sa kung saan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD