PAGLAPIT NIYA SA ‘kin agad niyang kinuha sa kamay ko ang bag. Nakatingin lang siya sa ‘kin. Hala baka pagbintangan pa ako? “N-Nakita ko lang dyan.” Paliwanag ko at itinuro ko ang trashcan. Haist! Di ko talaga alam ba’t ganito ako sa harap ng babaeng ‘to? Tiningnan niya lang ulit ako at nilapitan niya ang basurahan. Naluluha siya habang kinukuha yung lunch box at tumbler na wala na ang mga laman. “Wag kang umiyak. Baka may makakita – isipan pang inaway kita.” Sabi ko. “Salamat.” Mahinang sabi niya habang nagpupunas ng luha. Bigla ko siyang hinila palapit sa ‘kin at nagtago kami sa baba ng hagdan sa sulok. May mga yapak ng paa kasi akong narinig na pababa, nag-uusap ang mga ito. Ewan, ba’t kailangan magtago. Pero iwas dagdag usapan na lang siguro. Ang epic dun – dahil yakap ko si