DINALA SI CRISTY ni Kristan sa tambayan ng grupo nito sa bakanteng classroom na naging tambakan na ng mga sirang upuan ng school. “Ito ba ang tambayan n’yo?” tanong ni Cristy at bumitaw siya sa pagkakahawak ni Kristan sa kamay niya. “Oo.” Matipid na sagot ng binata na lihim na ikinatutuwa ang sitwasyon nila ngayon. “In fairness. Bodegang-bodega.” Biro niya. Napangiti si Kristan. “Maupo ka.” alok nito at pinunasan ng kamay ang upuan. Naupo siya at tumabi ito sa kanya. “Long time no see, hah?” “Oo nga, eh. Kumusta ka?” Tinitigan siya ng binata bago ito sumagot. “Ito, mahal ka pa rin.” Napangiti si Cristy sa sagot nito. “Bakit ba ginagawa mo pa ‘to?” “Kailangan pa bang itanong? Ikaw nga dyan, eh.” “Ewan ko sa’yo!”