CHAPTER 7 LOW CLASS WOMAN

1208 Words
Lhevy's POV Nawala ang ngiti sa aking mga labi at nanigas ako mula sa aking kinatatayuan nang mabungaran namin ni Claude si Charlie dito sa kusina. Pansin kong natigilan din siya. Gumalaw ang kanyang panga at tumalim ang mga titig niya sa akin. Pero agad niya rin itong ikinubli hanggang maging blanko ang kanyang mukha. Pakiramdam ko ay muling dinudurog ang puso ko dahil sa ipinakita niya ngayon sa akin. Hindi niya pa rin ako gusto. Ayaw niya pa rin sa akin hanggang sa ngayon. Dala lang ng alak ang mga nangyari sa amin kagabi. Kaya dapat lang talaga na hindi na ako umasa pa sa kaniya. Ang hinihiling ko na lang sa ngayon ay matulungan niya ang aming anak. Hindi na para sa akin kundi para sa bata na lang. "Good morningggg..." nakangiti at tuloy-tuloy na pasok ni Claude sa loob ng kusina habang bitbit niya ang iba naming pinamili. Ako naman ay halos hindi na makakilos mula sa aking kinatatayuan. Nangangatog ang aking mga tuhod at natatakot akong ihakbang ito dahil pakiramdam ko ay matutumba ako kapag sinubukan ko. "Mabuti naman at gising ka na, kuya. By the way, i want you to meet Lhevy. Siya ang makakasama natin at makakatulong ni Nanay Lydia. She arrived here yesterday. Lhev, pasuyo na lang ng mga pinamili natin. I'll just take the rest na nasa kotse pa." Itinuro ni Claude sa akin ang mga grocery na ipinatong niya sa ibabaw ng lababo at mabilis din siyang lumabas ng kusina. "Kayo na muna ang mag-ayos, Nanay. I just need to talk to our new MAID," walang emosyong utos ni Charlie kay Nanay Lydia pero nasa akin ang kanyang paningin. Ipinagdiinan niya pa ang salitang maid. Ayos lang, hanggang doon lang naman talaga ang bagsak ko. "Ha? Ah, oh sige, iho. Ako na ang bahala dito," sagot naman ni Nanay Lydia. "Follow me," matigas na utos ni Charlie nang makalapit na siya sa akin hanggang sa malampasan na niya ako at lumabas ng kusina. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang pangingilid ng aking mga luha. Kumakabog ng malakas at mabilis ang aking dibdib. Nangangatog din ang aking mga tuhod na sumunod sa kaniya. Ito na ang oras para sabihin ko sa kaniya ang totoo kong pakay dito. Nakita ko siyang nagdiretso sa isang hallway sa gilid din ng kitchen kaya doon ako sumunod. Ilang hakbang lang naman ang aking nilakad at nakarating kami sa likurang bahagi ng mansion. At napanganga ako nang makita kong may malawak pala na swimming pool dito! Ang ganda! "What are you doing here?" "Ah." Napadaing ako nang bigla akong hawakan ni Charlie ng mahigpit sa aking braso. Pero natigilan siya at agad niya rin akong binitawan. Ilang ulit siyang nagmura at sumabunot sa kanyang bunot. "Ahm..C-Charlie...k-kasi." "'Di ba malinaw na ang naging usapan natin noon? You're not the kind of woman I will love. I. Don't. Like. You. Ayoko sa iyo. Tinagalog ko na para maintindihan mo!" Halos ipagduldulan na niya sa aking mukha ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko ay piniga ng paulit-ulit ang puso ko sa mga sandaling ito. Noon pa man ay sinabi na niya sa akin 'yan. Ako lang naman ang mapilit pero matagal ko ng tinanggap iyon. "C-Charlie, h-hindi naman 'yon tungkol sa akin. T-tungkol iyon sa." "Do you need money? How much do you want? I'll give it to you but please! Never show me again! I don't need you. Keep that in mind that i will never like you!" "H-hindi naman tungkol sa akin ang ipinunta ko dito eh. N-nakalimutan ko na iyon, Charlie. Hindi ko na ipinagpipilitan pa ang sarili ko sa iyo. P-promise, w-wala na akong nararamdaman para sa iyo. Hindi na kita gusto. I-iba na ang mahal ko." Pansin kong bigla siyang natigilan at hindi kaagad nakaimik. "G-gusto ko lang ipaalam sa iyo....a-ang tungkol sa ana-" "Lhevy?" Naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating si Claude. "What's going on here?" tanong niya habang matalim ang pagkakatitig niya kay Charlie. Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin? "It's none of your business?" matiim ding sagot ni Charlie kay Claude. "I am...because I was the only one who accepted her here." "Pamamahay ko ito." "Nating dalawa." Natigilan ako at hindi ko alam ang gagawin ko nang magsagutan ang magkapatid sa aking harapan at kapwa nagsukatan ng tingin sa bawat isa. "Aah, p-pasensiya na. S-sige, aalis na lang ako. P-pasensiya na Claud-" "You will not leave. Ako ang tumanggap sa iyo dito. Ako ang magpapasahod sa iyo. Ako ang magbibigay sa iyo ng mga kailangan mo. At ako lang kikilalanin mo dito," matigas niyang sabi habang na kay Charlie pa rin ang kaniyang paningin. "P-pero-" "No buts. C'mon." Biglang hinapit ni Claude ang aking baywang at hinila ako palayo kay Charlie. "Lhevy!" malakas na tawag ni Charlie. "Don't look back," sabi kaagad ni Claude nang magtangka akong lumingon kay Charlie. Kaya wala sa sariling napasunod na lang ako. *** "So it's him? Why didn't you tell me right away? Fvck. Napakalaki niyang gago!" Nagpupuyos sa galit si Claude habang pabalik-balik ng lakad sa aking harapan. Nakaupo ako dito sa gilid ng kanyang kama. Dito niya ako hinila sa kanyang silid. Naiilang tuloy ako dahil baka kung anong isipin sa amin ni Claude at ni Nanay Lydia. "P-pasensiya na. H-hindi ko pa rin kasi alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. B-baka magulat siya kapag nalaman niyang nagkaanak kami sa isang beses lang na nangyari sa aming dalawa." Napatungo ako at hiyang-hiya akong tumingin kay Claude dahil sa mariing pagkakatitig niya sa akin. Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga. "Fine. If he doesn't accept the baby, I'll take him. After all, he's my nephew, my blood too. I'll give him everything he needs." "P-pero kailangan pa rin niyang malaman." "Yeah. He needs to know that. And if he doesn't accept it, he will lose his child and I'll be the father of your son." Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Gagawin niya 'yon? *** Charlie's POV "Hindi ko na ipinagpipilitan pa ang sarili ko para sa iyo. P-promise, w-wala na akong nararamdaman para sa iyo. Hindi na kita gusto. I-iba na ang mahal ko." "Hindi na kita gusto. I-iba na ang mahal ko." "I-iba na ang mahal ko." "Iba na ang mahal koooo." "Aaarrghh!!" I couldn’t help but bump my head against the hard wall over and over again. But the words she had given me earlier still lingered in my fvcking mind! It fvcking echoes in my ears! "Damn! Wow! Just wow! She doesn't fvcking love me anymore?! Tang*na! Who does she want now? 'Yong kapatid kong gago?! Ang kapal niya rin namang sabihin niyang hindi na niya ako gusto at iba na ang mahal niya! Fvck! Sino ba siya?!" Again, I hit my head against the hard wall! I felt like I was suddenly carrying the whole world dahil sa bigat ng nararamdaman ko sa dibdib ko. Who is she to make me feel this way?! Isa lang siyang mababang uri ng babae pero nagawa niyang guhuin ang buong mundo ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD