"Charlie, hindi pa niya 'yan magagamit. Baby pa si Charles," bulong ko kay Charlie dahil narito lang naman kami sa bilihan ng mga pambata na bike at motorsiklo! Jusko! Mahigit isang taon pa lang ang anak namin! "The year is just fast. The child is also growing fast," inis naman niyang sagot sa akin. "Saka na lang ang ganyan. Yung magagamit na lang muna niya. Sayang ang pera eh," bulong ko ulit sa kaniya dahil nahihiya ako sa mga tindera at tindero dito na kegaganda ng mga suot nilang uniform. Sana ganyan din kagaganda ang mga suot namin sa palengke para madaling maubos ang mga tinda naming isda at gulay. "Tsk," singhal na naman niya pero hinila ko pa rin siya sa iba. Nagalit pa nga siya sa akin kanina noong sinabi ko na huwag na kaming bumili dahil marami ng pinamili si Claude. Si Cl