"Wake up. Hey." "Uhmmnn.." Napamulat ako sa marahang pagpisil sa aking pisngi. Paglingon ko kay Charlie ay nakababa na siya ng sasakyan kaya kaagad napalibot sa labas ang aking paningin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa biyahe! Pero nagtaka ako kung bakit medyo madilim na sa labas. Ha? Gabi na ba? Ang bilis naman yata?! Umaga kami umalis ng mansion at titingin sana ako sa orasan sa aking braso kaso na-realize kong wala nga pala akong relo. "Ay!" nagulat ako at muntik ng malaglag nang biglang bumukas ang sinasandalan kong pinto. "Huwag ka kasing sumasandal d'yan!" sigaw sa akin ni Charlie habang nakayakap sa akin dahil nasalo niya ako kanina. "S-sorry." "Come on." Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng sasakyan saka niya muling isinara ang pinto. Napalinga