"Biliary Atresia." Sabay kaming nagkatinginan ni Charlie dahil sa narinig naming sinabi ng Doctor ng baby naming si Charles. "Biliary Atresia? What kind of illness is that?" kunot-noo na tanong ni Charlie sa Doctor. Kahit ako ay bago lang din sa aking pandinig ang salitang iyon. "Biliary atresia is a condition that affects only infants. Ang bile ducts o anuran ng apdo ni baby ay namamaga at nagbabara. Pagkapanganak pa lang sa kaniya ay mayroon na siya nito. Iyon ang dahilan kaya't ang apdo o likidong panunaw o tumutulong sa digestion na ginagawa ng atay ay nananatili sa atay. This is the cause of its destruction. Ang bile o apdo ay mahalaga para sa digestion lalo na ng taba na kinakain natin. Naiipon ang bile sa atay at sa loob ng sistema ng sanggol, kaya't maaaring maapektuhan ang iba