Noong oras ding iyon ay ipinalipat ni Charlie sa isang private room ang aming anak. Siya ang kumausap sa mga Doctor na madaliin ang pag-e-examine at gawin ang lahat ng paraan para matukoy na kaagad ng maaga ang totoong sakit ng aming anak. "Naninilaw ang kulay niya. Ang payat-payat niya," wika ni Charlie habang nasa tabi ng aming anak na mahimbing na natutulog. Lumingon ako sa kaniya mula sa pagtutupi ko ng ilang mga lampin ng aming anak dito sa malapad na sofa. Nakatitig siya sa aming anak at puno ng awa ang kanyang mga mata. Ang maliliit na daliri nito ay nakakapit ng mahigpit sa hintuturo ni Charlie. "Hindi namin maituloy-tuloy ang pagpapagamot sa kaniya dahil walang-wala na talaga kaming makuhanan ng pangsuporta. Naibenta na nga ni tatay 'yung nag-iisa niyang kalabaw. Nagsimula ang