"Wedding? Huh? What wedding are you talking about?" sarkastiko kong tanong sa kanya pero ang dibdib ko ay nag-uumpisa ng kumabog ng malakas. "You may forget that marriage is nothing in our plans, honey," nakangiti kong sabi sa kanya pero sa loob ko ay nagngingitngit ako ng sobra! Hindi maaari ang kasal na pinaplano nila! Nakangiti ring naglakad palapit sa akin si Allen hanggang sa siya ay huminto sa aking harapan. Ni hindi man lang binigyan ng pansin si Luiz na tarantang pinulot ang stainless bowl na nalaglag sa sahig. Napatiim-bagang ako nang hawakan niya ang aking baba at bahagyang iniangat paharap sa kanya. Kung dati ay wala lang sa akin ang mga ginagawa niyang ito ngayon ay hindi na. Nakakaramdam na ako ng kakaiba, nakakakilig ba? Nah...nakakasuka! Nakakadiri ang mga kamay niya!