SEVEN YEARS LATER,
"Dad, I told you huwag mo na akong ipasundo pa sa mga tao mo," I said to Dad who was now on the other line. Kausap ko siya ngayon sa phone.
Narito ako ngayon sa airport at kabababa ko pa lamang ng airplane. Malayo pa lang ako ay natatanaw ko na ang mga ipinadala ni daddy na mga tao niyang susundo sa akin!
Nakakainis! Gusto kong mapag-isa!
Prefer ko ang mag-travel nang mag-isa at hindi gumamit ng sarili naming plane dahil mas gusto kong nakakasalamuha ako ng iba't ibang klase ng tao. Inis na inis na naman ako ngayon dahil nagpadala na naman siya ng isang katerbang bodyguard!
"Relax; you'll only have one bodyguard with you from now on. Magaling siya. Maaasahan mo 'yun. Pagbigyan mo na ako, anak. I just want to make sure you are always safe at all times."
"Dad, I'm always fine. Walang mangyayaring masama sa akin at saka narito na ako ngayon sa sarili nating bansa. Alam ko na ang mga pasikot-sikot dito," I answered as I walked to the departure area.
I could see the bodyguards rushing towards me. Oh, akala ko ba isa lang?! Eh, nasa sampu ito, eh!
"Dad naman--"
"Baby, please. I'll die worrying about you. Ganun din ang mommy mo," aniya, at halata ang pag-aalala sa tinig niya.
Wala na akong nagawa pa kundi ang huminga na lamang ng malalim. Ayoko rin namang mag-alala sila sa akin ng sobra.
"Fine," sagot ko sa kanya.
"Take care, baby. We'll wait for you here at our mansion. We'll have dinner together." Bigla ring sumigla ang tinig niya.
"Okay, Dad. Bye." Kaagad ko nang pinatay ang tawag.
"Good evening, Ma'am," bumati at nag-vow ang mga guards na ipinadala sa akin ni Daddy. Mabilis nilang kinuha ang dalawang bahage na hinihila-hila ko.
"Good evening," walang emosyon ko namang sagot sa kanila at nagpatuloy na sa paglabas.
Pagdating sa labas ay bumungad sa amin ang isang black Ferrari car. Sa ibang sasakyan inilagay ng mga tauhan ni Daddy ang aking mga bagahe at dito ako ipinagbukas ng isa sa kanila sa Ferrari car, sa back seat.
Pagpasok ko sa loob ay mayroon nang driver na nakapwesto sa driver's seat. Nakasuot siya ng sumbrero at bahagyang natatakpan ang kanyang mukha. Dumagdag pa na may kadiliman dito sa loob ng kotse kaya hindi ko siya makilala.
Umayos ako nang pagkakasandal sa upuan. Hindi rin naman nagtagal ay nag-umpisa nang magmaneho ang driver. Nangunot ang noo ko dahil hindi man lang siya bumati sa akin ng good evening, ma'am. Boss niya ako pero parang wala siyang pakialam.
Tsk. Napailing na lamang ako. I took out my phone again from my shoulder bag and called my co-worker in modelling and also my boyfriend, Allen.
Isang ring lang ay kaagad din itong sumagot. "Hey, honey. How's it going? Nakauwi ka na ba?"
"Honey, I'm still on a trip, but--" Bigla akong napahinto nang bahagyang gumewang ang takbo ng kotse namin.
I looked at the driver, but I still couldn't see his face because of his hat. Kalmado at diretso naman ang pagmamaneho niya.
"Malapit na yata ako sa mansion, honey," sagot ko kay Allen.
"Kumusta naman ang biyahe mo? Hindi ka ba napagod?" malambing niyang tanong na siyang ikinangiti ko.
"Hmmn. I was feeling tired earlier, but as soon as I heard your voice, I got--ay!" Bigla akong napasigaw nang muli na namang gumewang ang kotse!
"Honey? What's wrong? Are you okay? What happened?" may pag-aalalang tanong ni Allen mula sa kabilang linya. Pero hindi ko siya sinagot at binigyan ko ng matalim na tingin ang driver.
"Hey, pwede bang ayusin mo ang pagda-drive mo! Hindi ka naman yata marunong mag-drive, eh!" sigaw ko sa kanya. Sobrang inis na ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
"I'm sorry," sagot naman niya sa napakahinang tinig at halos hindi ko pa marinig.
Hindi ko na lang pinansin at muli na akong bumaling kay Allen na nasa kabilang line pa rin.
"I'm okay, honey. Medyo gumewang lang ang takbo ng kotse."
"What?! Sino ba 'yang driver mo?!" pa-sigaw niyang tanong.
"Hey, relax. Si daddy ang nagpadala nito sa akin, eh. I'm fine," malambing ko muling sagot sa kaniya para hindi na siya mag-alala pa.
"A'right. Just call me once nakarating ka na ng mansion, okay? Don't worry, nandyan na rin ako bukas na bukas din."
Napangiti naman ako dahil isang araw lang kaming magkakahiwalay. Pero na-miss ko pa rin siya kaagad kahit isang araw pa lang kaming nagkakalayo.
"I can't wait to see you." Napakagat-labi ako.
Napalingon naman ako sa driver nang bigla niyang binuhay ang stereo. Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pamilyar na music.
"Miss mo 'ko agad?" dinig kong tanong ni Allen at nahihimigan ko sa kanya ang kapilyuhan.
"Of course. Ako ba hindi mo na-miss?" Hindi ko mapigilang mapanguso.
"You have no idea, honey." Mas lalo tuloy akong napangiti at napakagat-labi.
"Sabi mo, eh."
"Sige na. Take care. I love you."
"Okay, hon. I love you to--ay! Ano ba?!" napasigaw akong muli nang biglang huminto ang kotse at muntik na akong masubsob sa unahan!
Mabuti na lang at na-off ko kaagad ang phone kaya sana ay hindi na narinig pa ni Allen ang pagsigaw ko.
"Sorry," bulong naman ng driver.
"Nananadya ka ba?! Isusumbong kita kay daddy para matanggal ka na kaagad sa trabaho! Nakakainis. Tatanga-tanga!" Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa labis na kaba.
Hindi niya ako pinansin at muling nagpatuloy sa pagda-drive. Nilakasan niya ang volume ng stereo kaya ngayon ay naririnig ko na ng husto ang tugtog.
"I want all summer with you..."
"Boy let's get in trouble..."
"Drive through
the city with you..."
"Let's leave it in rubble..."
"Run from the bullshit with you..."
"Let's hide in the covers..."
"I feel there's something with you..."
"Can I be your lover..."
(CAN I BE YOUR LOVER)
"Palitan mo nga 'yan!" sigaw kong muli sa driver nang makilala ko ang tugtog.
Iyan 'yong palagi kong kinakanta noon at ipinaririnig kay Skipper pero isa siyang dakilang manhid. Hindi niya nagi-gets 'yong gusto kong iparating sa kaniya sa pamamagitan ng kanta na 'yan.
Pero ngayon ay okay na ako. Naka-recover na ako simula noong lisanin ko ang Pilipinas at makilala ko naman si Allen sa ibang bansa. Siya ang tumulong sa akin para makalimot. And I enjoyed his company until I learned to love him too.
Naghihintay na lang akong yayain niya ng kasal at siguro ay 'di pa siya natatapos sa kaniyang proposal ay o-OO na ako kaagad! Wala ng keme-keme pa, no!
He has everything I was looking for in a man, and I also feel how much he loves me. He always made me feel how special I was in his life, na inasam ko noon mula kay Skipper. Pero hindi man lang niya ako binigyan ng kahit kaunting chance.
Ilang sandali lang ay huminto na ang kotse sa loob ng bakuran ng mansion namin. Kaagad ding bumaba ang driver at pinagbuksan ako ng pinto.
"Bukas, ayoko nang makita pa 'yang pagmumukha mo!" sigaw ko sa kanya bago ako nagmartsa patungo sa front door. Naroroon na si Dad at naghihintay sa akin.
"What happened? Why are you shouting?"
"Ilang beses na kaming muntik nang mabangga, Dad! 'Yan ba ang gusto mong magbantay sa akin? Mas manganganib ang buhay ko dahil sa kanya!"
"Skipper?" Binalingan niya ang driver sa likuran ko.
Bigla naman akong napahinto sa pangalang sinambit niya. Kaagad akong napalingon sa likuran ko.
"I'm sorry, Sir. Sa tingin ko po ay may sira ang sasakyan. Ipapasuri ko na lang po bukas sa isang mekaniko," sagot niya matapos niyang hubarin ang suot niyang sumbrero.
Tuluyan na akong natigilan at napatitig sa kanya. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko, pero kaagad akong huminga ng malalim at pinalis ang bagay na gustong pumasok sa isipan ko.
"No need, Dad. Parating na bukas ang boyfriend ko. May magbabantay na sa akin. Hindi ko na kailangan pa 'yang stupid mong driver!" sigaw ko at saka nagmadaling pumasok sa loob ng mansion. Hindi ko na sila nilingon pa.
Pinakiramdaman ko ng matagal ang sarili ko. Inalala ko ang hitsura niya ngayon. Mas tumangkad. Mas lumaki ang pangangatawan. Humapit sa kanyang simpleng black shirt ang mamasel niyang mga braso at dibdib. Mas pumuti, mas makisig, mas gumwapo.
Pero hanggang doon lang 'yun. Nawala rin naman kaagad 'yong malakas na kabog ng dibdib ko. Nagulat lang talaga ako. Wala na akong maramdaman pa para sa kaniya.
Napangiti na lamang ako sa sarili ko. Ngayon ko masasabi na talagang naka-move on na ako sa kanya. Tuluyan na siyang nakawala sa puso at buhay ko.
Dahil nariyan na si Allen. Siya na ang mahal ko ngayon.