"No, Luiz. Sabay-sabay na tayo," kaagad kong pigil kay Luiz na obvious naman na na-out of place sa scene. Huminto rin naman siya pero halatang hindi na maganda ang kaniyang mood. "So paano? We'll go ahead. Mag-set na lang tayo ng date kung kailan tayo parehong available. May mga shoot pa kasi kami eh," nakangiti kong sabi kay Sherlove pero mukhang hindi naman niya ako napapansin dahil hanggang ngayon ay kumukutitap pa rin ang kaniyang mga mata habang nakatitig kay Allen. "Eherm. Sherlove," tawag-pansin din sa kaniya ni Skipper at marahan na niya itong hinila sa braso. "O-okay. Hehe. Sige, ate Selenah! Available naman ako anytime eh! But wait. Wait lang, kuya!" Muling bumitaw si Sherlove sa kaniyang kuya at dumukot sa kaniyang maliit na shoulder bag. "Tsk." Muling napakamot sa ulo si S