Chapter 4
~Rejection~
Mae's Pov
Nasa loob ako ngayong ng office ni Mr. Maxwell. Ang masasabi ko lang ... Cool...
May mga design na wolves at painting ng wolves dito sa loob at ang mas nakapukaw ng pansin ko ay ang isang kwentas na crescent moon. Kaya naman linapitan ko ito at tinitigan.. Ang ganda. Hahawakan ko na sana ng makaramdam ako ng sakit sa may ulo, I mean sa noo ko.
"Iha, Are you alright?" Mr. Maxwell
"Yeah, I'm fine Mr. Maxwell." Magalang kong sagot.
"Take a sit iha." Mr. M yun nalang itatawag ko sa kanya ang haba e..
"Bakit nyo po pala ako pinasama dito."- me
"Oh, about that.. As a punishment, gusto ko sana na ikaw ang mag tour sa aking panganay na anak at maging guide nya hanggang sa makasanayan nya dito at matuto sya dito." Mr. M
"Po? Bakit po? Pasaway po ba ang anak nyong yun kaya pinatapon nyo dito?" Napatakip naman ako sa bibig ko ng marealize ko kung ano yung sinabi ko. Akala ko magagalit sya pero mahinang pagtawa ang narinig ko.
"Haha, hindi ako nagkamali sa pagpili sayo iha. Kahanga-hanga." Saad nya.
"Ganun po ba. Sige ho. Gagawin ko ang makakaya ko. Sana lang matagalan ko ang ugali ng anak nyong pinatapon nyo dito." Pabulong kong sabi sa last part.
"Hahaha iha.. Baka nga iyon ang hindi magtagal sayo. Baka araw araw umuusok ang ilong nang batang iyon." Napatawa naman din ako sa sinabi nya.
"Kung ganun po. Pwede na po ba akong umalis? Gutom napo kasi ako e.. Kanina pa. Kung hindi lang dahil sa traidor na iyon dapat kanina pa ako nakakain e." Sabi ko.
" hahaha sure iha, by the way magstart na sya bukas his Michael Zekiel Maxwell." Mr. M
"Mauna na po ako." Sabi ko sabay labas ng office nya.
Grabe.. Hindi ako makapaniwala .. Totoo nga .. Mga werewolves sila .. Hehehe I'm so happy may kilala na akong Supernatural creature.
Swerte ko pa dahil ang soon to be alpha ang igaguide ko. Pero syempre dapat act normal. Hindi nila dapat malaman na may alam ako tungkol sa kanila. Confidential kaya yun noh.
Tinext ko nalang sila Clair na kakain na ako dahil panigurado tapos na sila kumain.
Michael's POV
Kakarating ko lang dito sa Maxwell university na si Dad pala ang may ari. Tsk malay ko ba na seryoso siya sa pagpapatakbo nang school for humans.
Dahil naglalakad na ako papunta sa office ni Dad ay may mga nagbubulungan. Tsk.. Grabe talaga, hanggang dito pinagkakaguluhan ang kagwapuhan ko.
'Ang gwapo naman nya. Bago ba sya dito?' Girl 1
'Ano ka ba girl, hindi mo ba sya namumukhaan? Sya ang panganay na anak ni Mr. Maxwell.'G-2
'Oh my... Oo nga. Teka diba sa state sya nag aaral. Bakit siya nandito?" G1
'Baka dito na mag aaral.'G2
'Oh my... Makikita na natin sya lagi.. Nakakaexcite naman.' Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi nila.
Pinagbuksan ako ng pinto ng tauhan ni Dad para makapasok sa office nya.
"Take a sit son." -dad
"Dad, sigurado na ba talaga kayo? Di ba mas may matututunan ako sa Max kesa dito." Nakasimangot kong sabi.
"Yes, and besides baka dito mo mahanap ang mate mo."
"What? Are you crazy Dad? Dito? Sa school ng mga tao? You've gotta be kidding me."
"Bakit? Anong masama dun? Walang pinipili ang moon goddesses kung sino ang maaari mong maging mate anak. Kaya dapat matanggap mo sya kung sino man siya."
"Whatever dad. My mate is a she-wolf not a human."
"Son, inaasahan ko na hindi ka gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli." Pagkasabi ni Dad nun ay umalis na ako at naglakad-lakad.
Hanggang sa mapadaan ako sa isang mini forest. Kaya pumasok ako doon.
Habang naglalakad ay may naamoy akong kakaiba. Napakabango nya. Nakakaakit. Sinundan ko lang ang amoy hanggang sa mapahinto ako sa likod ng isang babae na may kulay ang buhok. Mukhang pinakulayan ito dahil nakikita na ang virgin Hair sa buhok nya.
"Mate" tanging nasambit ko at ng wolf ko ng nakita ko ang mala chocolate nyang mata.
Mae's POV
After ko kumain ay nagpunta ako sa mini forest ng university. Mas maganda dun dahil sariwa pa ang hangin dahil sa mapuno at may maliit na ilog.
Nakaupo lang ako dito habang nakasawsaw naman sa tubig ang dalawa kong paa.
Naramdaman ko na may papalapit kaya nagkunwari akong hindi ko sya nararamdaman hanggang sa huminto sya sa likuran ko.
Parang may kung anong pwersa na humihila sa akin para tingnan ang taong nasa likod ko.
Biglang lumakas ang t***k ng puso ko ng may maamoy akong mabango. Siguro pabango iyon ng taong nasa likod ko. Kaya naman ay tumayo ako at humarap sa kanya.
Napaka gandang mata. Kasing itim ng langit na bumagay sa kanyang itsura. Sa madaling salita .. Perfect, Gwapo, matipunong katawan.
Nagpagulat sa akin ay ang katagang binanggit nya.
"Mate." Sya.
Wait??? Mate? Don't tell me, isa syang werewolf? And mate??? Ako??? Ako ba ang tinutukoy nya?
"f**k, bakit isang tao pa." Pabulong nyang sabi sa sarili pero rinig ko.
Kung ganun. Ako nga. Dahil ako lang naman ang nag iisang TAO dito sa kinaroroonan namin. At mukhang ayaw nya sa isang tao.
Alam ko na ata ang susunod na mangyayari. Nakakalungkot. Hindi ko alam kung mas mabuti dahil ako ang naging mate nya kesa sa ibang tao na walang idea sa mga katulad nya.
Magsasalita na sya.
"I, Michael Zekiel Maxwell, rejecting who ever you are as my human mate and a future Luna of Crescent moon pack."
Pain. Yan ang tanging nararamdaman ko ngayon. Dapat hindi na ako nasasaktan dahil sanay naman akong tumanggap ng masasaktin na salita e. Even physical sanay akong makatanggap ng sakit.
Pero bakit ngayon? Hindi... Dahil ba sa mate bond na yun? Bullshit...
Hindi na lamang ako nagsalita at naglakad paalis sa lugar na iyon...
I can't accept the rejection. Alam kong hindi sya sanay na mareject at masaktan dahil isa syang maharlika. Ako kaya ko dahil tao ako at lumaking walang paki alam sa nararamdaman ng iba. Pero bakit sa kanya nag aalala ako na baka mamatay sya.
You read it right. Mamamatay.. Kung sino man ang nangreject ng mate nya at inaccept ito. Ay ikakamatay nya. Unti-unti syang mamamatay. Samantalang (sa pagkaaalam ko) ang rejected mate naman ay magkakaroon ng second chance mate.
At hindi ko kakayanin na mamatay sya dahil sa akin..
Okay na siguro ang set up na to.
"Mae? Anong nangyari?" Tanong ni ate Mary. Nasa quarters na pala ako ng taekwondo team.
"Huh?" Nagtataka akong nakatingin sa mga kateam ko na mukhang nag aalala...
"Umiiyak ka. May nangyari ba?" Si Clair. Nandito pa pala sya.. Akala ko umuwi na.
U-umiiyak? Ako??? Pinunasan ko naman ang pisngi ko.. Basa.. Hindi ko man lang napansin na umiyak na pala ako.
"Tsk.. Puwing lang yan.. Masyado kayong OA." -me
"Grabe namang puwing yan. Basang basa mukha mo." Mark isa sa mga ka team ko.
"Nga pala anong sabi sayo ni Mr. Maxwell, Mae."- coach
"Ah... Wala, ako daw maggaguide sa anak nyang magtatransfer dito simula bukas." Sabi ko at kinuha ang mga gamit ko.
"Coach, di muna ako makakapagtraining... May mga project pa ko na dapat tapusin e."-me
"Sige sige. Mag ingat sa pag uwi. Mag text ka na lang ah."-coach. Tumango lang ako bilang sagot.
Naglalakad na ako papunta sa sakayan.. Napapaisip ako.. Kung kaya kong maitago ang aura ko.. Kaya ko din naman siguro itago ang amoy ko.. Hindi ba... Itatago ko na muna ang aura ko. Nagbabakasakali na pati ang amoy ko ay maitago ko.
Mamaya pag uwi pag aaralan ko kung paano itago ang amoy ako.
Nakakainis.. Nakakabadtrip.. Ang sakit ng dulot ng rejection na yun ah... Ganto ba ang feeling ng mga nababasa ko sa story? Akala ko hindi totoo.. Tsk...
Nakakapagod naman ang araw na to.