Chapter 5
~ Guide ~
Mae's POV
Nasa university na ako at patungo ako sa office ni Mr. M. Nabanggit nya kasi na pupunta sya dito ngayon.
Kung ano ang gagawin ko doon. Magbabaka sakali kung pwede nya pang bawiin ang punishment na iyon. O di kaya palitan nya nalang.
Dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na magkasama na kami ng lobong yun.
Wala ang Alpha kaya pinapasok na muna ako sa office. Sa loob ko na lang daw hintayin.
Nagmamasid lang ako sa loob. Naagaw ulit ng crescent necklace ang atensyon ko kaya nilapitan ko ito.
Tulad kahapon. Sinubukan ko itong hawakan nagtagumpay naman ako ngunit nang mahawakan ko ito ay biglang sumakit ang aking ulo. Parang unti- unting binibiyak. Kaya binitawan ko na ito.
Nawala na ng kaunti ang sakit pero kumikirot parin ang noo ko. Naramdaman kong may paparating sa silid ni Mr. M kaya itinago ko ang aking amoy at presenya.
Nakatalikod ako sa mga pumasok. Malamang si Mr. Alpha na yun kaya humarap ako sa kanya. Ngunit hindi pala sya nag iisa. Hindi na ata mababawi pa ang parusa sa akin.
"Mr. Maxwell" bati ko sa alpha.
"Ikaw pala iha, Ano't naparito ka? Tamang tama... Meet my son. Michael Zekiel Maxwell. Sya ang igaguide mo simula ngayon." Nakangiting sabi ng alpha.
"Nice meeting you Mr. Maxwell." Plain kong sabi.
"What? seryoso ka dad? Sya ang maggaguide sakin?"-him
"Oo, wala naman akong nakikitang problema doon." Alpha
"Mauna na po ako Mr. Maxwell. May klase pa po ako. Mr. Kung sakaling hahanapin mo ko. Pumunta ka lang ng gym at ipagtanong kung nasaan si Weirdo." Pagpaalam ko sa Alpha at lumabas na ng office.
He really doesn't want me huh. Tsk.. Hindi ko rin naman sya gusto. Tsk..
Natapos ang klase na wala naman masyadong nangyari.
Hanggang ngayon ay tinatago ko parin ang amoy ko. Hindi ko alam kung paano pero ramdamn kong naitatago ko ito.
Narito ako sa quarters nagsosoundtrip nang kalabitin ako ng pinakabata sa team namin.
"Ate Mae may naghahanap sayo." -her
"Sino." -me
"Yung anak ni Mr. Maxwell. Michael daw ang pangalan." Nakangiti nyang sabi.
"Bakit ngiting ngiti ka jan."-me
"Bagay kayo ate." Kinikilig nyang sabi. Tsk.. Kung alam mo lang na kinamumuhian nya ang uri natin.
"Tsk." Sabi ko nalang at tumayo na dala ang sling bag ko at lumabas.
"At nagawa mo pa talaga akong paghintayin hah babae." Inis na sabi nya sakin.
"Follow me." Sabi ko at tinalikuran sya.
"Hoy kinakausap pa kita wag mo kong talikuran." Zeke nalang ang itatawag ko sa kanya sa isip ko.
"I'm your tour guide here in YOUR university. Not a friend or what so ever. Stop nagging.' Plain kong sabi para hindi nya mahalata na may sakit akong nararamdaman dahil sa rejection nya kahapon.
"Haist.. Kaya ba ikaw ang pinili ni Dad dahil alam nyang mapipika ako sayo huh? Kasi kung oo.. Pwes pikang pika na ako."
"Dinaig mo pa ang babae sa pagka arte. Ikaw ang tagapagmana ni Mr. Maxwell kaya dapat alam mo ang lahat ng pasikot sikot sa paaralan na ito. Mukhang alam ko na kung bakit ka pinatapon rito." Maanghang kong sabi para mainis pa sya lalo.
"Anong sinabi mo?" Galit nyang baling sakin.
"You didn't know how to value many things in earth. Touchable or untouchable." Makahulugan kong sabi.
Hindi ko sya narinig na umimik kaya nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at sinabi sa kanya ang lahat ng nalalaman ko dito sa university.
Hanggang sa mapadpad kami sa harap ng mini forest.
"For sure alam mo na ito dahil dito tayo unang nagkita. Tinatawag nila iyang dark forest. Dahil nakakatakot daw dahil may mga kumalat na balita na may wild animals." - me
"Kung ganun, bakit ka nanjan kahapon."-kiel
"Tsk. None of your business Mr. My work is done here. Kung may kailangan ka. O may itatanong alam mo kung saan ako pupuntahan."-me
Tumalikod na ako at nakakadalawang hakbang palang ako ay nagsalita sya kaya napatigil ako.
"Why?"-him. Nilingon ko sya at tinignan nang nagtataka.
"Why you didn't accept my rejection?"-him
Oh.. Yun pala. Dahil masakit. Gusto kong sabihin yan ngunit.
"What? Bakit ko naman i-aaccept? Sa pagkakatanda ko. Wala akong sinabi kahapon para ireject mo ako at para maintindihan kung bakit kailangan kong i-accept iyon." Bored kong sabi na parang nababaliw sya.
"Uulitin ko. Sa pagkakataon na ito. Inaasahan kong tatanggapin mo ang rejection ko."-him
"Magmumukha kalang baliw kaya kung ako sayo tumigil ka na." Sabi ko at naglakad na ulit papalayo sa kanya. Kahit tinatawag nya ako ay hindi ko nalang pinapansin.
Tanga ba sya. Hindi nya ba alam ang maaaring mangyari sa kanya sa oras na tanggapin ko un? Tsk.
Nagtraining lang ako at pagkatapos nun ay umuwi na ako agad.
Napahawak ako sa noo ko ng makaramdam ng kirot .. Damn it... Ano bang nangyayari? Tsk. Napatingin nalang ako sa langit ... Ang ganda ng moon kahit hindi pa full.
Maaga aga pa naman kaya naglakad nalang ako papasok sa barangay namin ng tumunog ang phone ko.
'Viper gang Vs Silver Tonight 11pm arena' from Light
Tsk. Nagsasayang lang sila ng lakas. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay.
"Kumain ka na anak." Sabi ni mama habang nakatulalang nakatingin sakin.
"Bakit ma?" Takang tanong ko.
"Anong nangyari jan sa mukha mo?" Napahawak naman ako sa pisngi ko. Tsk. Nakalimutan ko.
"Ah. Ito.. Wala to.. Sa sparring to kahapon. Maliit nasugat lang naman." Nakangiti kong sabi. Tama kayo.. Nakangiti.. Sa pamilya ko lang ako ngumingiti, kay Clair at ate Mary.
"Tsk.. Hala sige na.. Kumain kana at maglinis ng katawan pati yang sugat mo.. Nang makapagpahinga ka na din.. Hala at ako'y aalis na.. Mag ingat kayo dito." Paalam ni mama at umalis na sakay ng motor nyang sira-sira.
Bilhan ko kaya sya ng bago. Baka naman magtanong kong saan ko kinuha ang pera. Tsk.. Bahala na nga.