Chapter 17
Michael/Zeke's POV
Agad na nagsikilos ang mga warrior at lahat ng mga assassins ng crescent moon para harangin ang mga rogues.
'Alpha, masyado silang marami.'
'Sinasabi ko sa inyong lahat. Walang mamatay sa laban naito.' Utos ko sa kanilang lahat at sumagot naman sila ng Masusunod alpha.
Habang nakikipaglaban ay napansin kong wala si Donnie at Vince, ang dalawang namumuno sa mga rogues na ito. Saan sila nagpunta?
Tulad ng iba kong kasamahan ay may mga natamo narin kaming sugat ngutin wala ni isa ang pumapayag na mapaslang.
'Michael anak, ginawa namin ang lahat para maisama si Mae sa Tunnel ngunit mapilit sya.' Mind link ni mama
"f**k shit." Nakalmot din ako sa may braso.
Damn it, Mae. Sana ligtas ka lang.
'Moon Godessess panatilihin nyo pong ligtas ang mag iina ko.' Hiling ko habang nakapikit.
Napamulat ako ng maramdaman ko ang kwentas ng crescent moon na sinuot ko kanina lang.
At ito ay nagliliwanag.
"s**t, nandito ang Legendary Wolf." Natatakot na bigkas ng isang rogue. Ang iba ay umalis na sa mantalang ang iba ay nakikipaglaban parin.
Nang wala nang humaharang sa akin ay tumakbo na ako upang puntahan si Mae. Ng may maramdaman ako kakaiba. Sa tuwing nasa panganib si...
's**t, si Mae Michael.. Kailangan nya tayo.'
Kaya mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa marating ko ang aming silid.
Mae's POV
Sinugod ako ng lalaking unang pumasok sa kwarto.
Lahat ng atake nya ay sinasalag ko ng katana na nasa lalagyan pa at nagka-counter attack din ako paminsan minsan.
Nakakainis, tatagal lalo ang laban na ito.
"Ano bang kailangan nyo?" Malamig kong turan ng magkalayo kami nung Blonde (Vince)
"Kamatayan ng lahat ng nasa Crescent moon pack lalo ng ng alpha at ang kanyang pinakamamahal na luna." Red hair guy (Donnie)
"Hindi kayo magtatagumpay." Nanggagalaiti kong sabi.
"Puntiryahin sa tyan, yang ang tanging kahinaan nya sa ngayon." Nagtangis ang aking bagang sa sinabi nya.
Pakiramdam ko ay umangil ako na parang isang aso, hindi aso, kundi isang lobo sa dalawa dahil sa balak nila.
Napansin ko na panandalian silang natulos sa kinatatayuan.
"Tsk gawin mo na, isang hamak na tao lamang yan kaya madali yang paslangin."
"Talaga lang huh. Edi dapat kanina nyo pa ako napatay." Nakangisi kong sabi.
Sa pagkakataon na ito ay linatalas nila ang kanilang mga kuko at sabay na sumugod sa akin.. Tinanggal ko nadin sa lalagyan ang dalawang katana at nakipaglaban sa kanila.
Sa kagitnaan ng pakikipaglaban sa kanila ay bigla kong naramdaman ang pagsipa ng baby sa tyan ko. Kaya napahinto ako. Na syang sinamantala ng dalawa at binigyan ako tig iisang tira gamit ang kanilang mga matatalas na kuko. Si blonde ay kinalmot ako sa braso samantalang si red ay naka tyempo sa may left side ng likod ko dahilan para matumba ako, mabuti at sa may kama ako napahawak.
Shit, napatingin ako sa tyan ko kung may tama ba ako. Mabuti at wala. Pero nararamdaman ko parin ang pagsipa nila kaya medyo nahihiran ako makatayo dahil na rin sa sugat na natamo ko.
"I WILL f*****g KILL ALL OF YOU WHO HURT MY WIFE." Isang nakakakilabot na boses ang nangibabaw sa loob ng kwarto na nagmula sa may pintuan.
"Zeke." Nakasandal parin ako sa kama habang si Zeke ay pina uulanan ng tira ang dalawang lapastangan.
"Alpha, ang luna. Kami na ang bahala sa kanila."
Naramdaman ko nalang na buhat na ako ni Zeke.
"Zeke, nasaktan ka ba?" Tanong ko dito.
"Nasasaktan ako dahil sa kalagayan mo ngayon Love." Inilapag nya ako ng maayos sa kama.
Hinawakan nya muna ang 4 months kong tyan at tiningnan ang tamo kong sugat.
"Papunta na ang Doktor para masuri ang kalagayan mo."
Madilim parin ang awra nya kaya naman hinawakan ko ang mga kamay nya.
"Love, I'm sorry kung matigas ang ulo ko. Ayoko lang ma iwan kita na nakikipaglaban samantalang ako ay nagtatago." Sabi ko at niyakap sya. Niyakap naman nya ko pabalik.
Dumating ang doktor at maayos naman daw ang lagay ng kambal dahil malakas ang kapit nito. Kaya naiwan kaming dalawa ni Zeke dto sa kwarto.
"Love, let me clean your wounds at heal it." Tumabi sya sa akin.
"How?" Nasagot anv tanong ko sa ginawa nya.
Inilapit nya ang kanyang labi sa aking sugat ay dinilaan ang mga ito.
Sa una ay mahapdi hanggang sa lumamig ang pakiramdam nito.
Sa isang iglap ay naghilom lahat ng sugat na natamo ko kanina.
"Please always keep yourself safe love."
Nakayakap na sabi nya sa akin.
Yayakapin ko na din sana sya ng may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko.
Feeling ko ay nababali mga buto ko. Hanggang sa dumadaing na ako sa sakit.
Michael/Zeke's POV
"Ahhhhh..." Nagulat nalang ako ng namimilipit sa sakit si Mae.
"Mae, anong nangyayari sayo?" Tanong ko.
"Buto ko." Nahihirapang sabi ni Mae.
Nakikita at naririnig ko kung paano madislocate ang buto ni Mae.
Impossible, paano nangyayari to. Tanging mga tulad lamang namin ang nakakaranas nito.
At parang sinagot nito ang tanong ko pero paano nangyari?
Unti unting nangingibabaw ang amoy lobo nya.. Hindi.. Naghahalo ito lalong lumalakas.
"Son, what's..." Naputol ang tanong ni dad sa akin at napunta kay Mae ang Atensyon nya.
"Nag papalit balat sya dad." Tanging nasabi ko.
"Aaaahhhhh." Sa huling sigaw nya nun ay tila natauhan kami lalo na ng mag anyong lobo sya.
"The Legendary Glowing Blue Wolf." Sabi ni Ace.
Tama, ang nasa harapan namin ngayon ay ang legendary wolf na buntis. Ang luna ko. Kaya nilapitan ko sya at kinumutan habang nasa wolf form.
Mae's POV
Matapos ang walang kapantay na sakit at napatulala ako sa sarili kong reflection sa salamin sa harap ko. A beautiful glowing blue wolf at nakita ko sa tabi ng wolf na iyon si Zeke kinumutan nya ito.
Kaya hinanap ng mata ko si zeke na kung saan ay nasa tabi ko pala...
Teka... Katabi ko si Zeke, katabi ng wolf si zeke....
Napatingin ako sa kamay ko, at ang nakikita ng mata ko ay binti na may glowing blue flur...
Ako? Lobo? Naging lobo?
'Zeke anong nangyayari?' Tanong ko dito pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"It's okay Love, just relax, clear your mind and think of yourself taking your human form." Naka ngiti nyang sabi sa akin.
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang sarili sa salamin.
Kahit na nasa wolf form ako ay kita parin na buntis ako.
Maya maya lang ay naramdaman ko na ang yakap sa akin ni Zeke at may nakapulupot na kumot sa katawan ko.
Dahil siguro sa pagod ay hindi ko namalayan na nawalan ako ng malay habang hawak ako ng Mate ko.