Chapter 16
Michael/ Zeke's POV
Tatlong lingo na mula ng matapos marenovate ang university at tatlong linggo narin mula na mailipat sa akin ang pagiging alpha at ng maging ganap na luna narin sa wakas ang aking pinakamamahal na si Mae.
At sa loob ng 3 linggo na iyon ay sa kabutihang palad ay wala ng naganap na paglusob mula sa mga rogues.
Mahimbing parin ang tulog ni Mae sa aking mga bisig hanggang ngayon. Napaka antukin talaga nito kahit kailan.
Nakangiti ko syang hinalikan sa noo at inamoy sya.
Lalo atang lumakas ang halimuyak ng mate ko ah...
Tumayo na ako at kinumutan sya ng maayos tska nagtungo sa banyo para makapag bihis na at magtungo sa opisina.
Mae's POV
Napatayo ako at nagtungo sa may banyo. Nang pipihitin ko na to ay nakalock kaya naman kinatok ko ito ng kinatok hanggang sa magbukas at nilampasan si Zeke at nagtungo sa lababo.
Doon nagsuka ako. Kahit wala namang isusuka.
Naramdaman ko naalng ang na hinahagod ng palad ni Zeke ang likod ko.
"What wrong love? Are you okay?" Nag aalalamg tanong nya.
"Yeah, ayos lang ako. Baka sa kinain ko lang kagabi." Sinabayan nya na ako sa paglabas ng banyo at pinaupo sa higaan.
"Namumutla ka, magpahinga ka na lang muna. Wag ka nang umattend praktis ng graduation." Sabi nya at inalalayan akong humiga.
"Okay sige. Nga pala, kamusta sa opisina? May balita na ba sa mga rogues?" Nag aalala kong tanong sa kanya.
"Don't worry about it. Wala silang ginagawang hakbang para pagsimulan ng digmaan. Pahahatiran nalang kita ng makakain ah. Mahiga ka lang jan." Hinalikan nya ako sa noo tska lumabas ng kwarto.
Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto at pumasok si Zeke na may dalang tray na maraming pagkain.
"Kain na tayo. Gusto ko kasabay ka kaya dinamihan ko na." Masaya nyang sabi at sinubuam ako.
"Ang sweet naman ng asawa ko." At hinalikan sya sa pisngi.
Pagkatapos kumain ay dinala na nya sa baba ang pinagkainan namin at umalis ma patungo sa opisina.
Dahil feeling ko ay okay na ako. Naligo na ako at nagbihis para umattend ng praktis. Tama dahil ang bilis ng takbo ng araw at ito, the day after tomorrow ay graduation na.
Kakatapos lang ng graduation pupunta sana ako sa DF ng makatanggap ako ng tawag mula kay Zeke.
'Love, dib sabi ko magpahinga ka sa bahay.'
"Love okay naman na ang pakiramdam ko eh tska tapos na din naman yung practice kaya uuwi nadin ako maya maya."
'Haist. Fine, tapos na eh. Just wait me sa office jan sa university dun kita susunduin. Okay?'
"Okay love."
'Good, i love you.'
"I love you too, take care." Pagkasabi ko nun ay pinutol na amg tawag at nagtungo sa office.
"Hindi pa po kayo uuwi Luna?" Tanong sa akin ng guard na lobo sa may entrance ng admin.
"Shhh, ka kuya baka may makarinig sayo. Hahaha hindi pa po, susunduin daw ako ni Zeke e." Pagkasabi ko nun ay nagbow sya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.
Nang makarating ako sa tapat ng office ay pinagbuksan din ako ng pinto ng isang warrior.
Habang nag hihintay doon ay napatingin ako sa kwentas na crescent moon. Simula palang ay parang hinihila na ako nito papalapit sa kanya.
Kahit medyo nahihilo ay nilapitan ko ito ay hinawakan.
Tulad ng nangyari noon ay nakaramdam ako ng pagsakit sa ulo.
And everything went black.
Michael/Zeke's POV
Pagpasok ko ng office ay isang Mae na nakabulagta sa sahig ang naabutan ko.
"Shit.. Mae." Agad ko syang nilapitan at pinulsuan.
Nakita kong hawak nya yung crescent moon na kwentas kaya kinuha ko na din iyon bago ko sya buhatin at dalhin sa clinic.
Habang naghihintay sa resulta ay pinagmasdan ko ang kwentas.
Ito ang kwentas kung saan nakakulong o namamalagi ang legendary glowing blue wolf na may crescent moon mark sa noo.
Ang sabi ni dad, lalabas lamang ang legendary wolf na iyon sa oras na mahanap at matagpuan sya ng katawang tao nya.
Pero bakit? Bakit hawak ito ni Mae kanina sa Office.
"Mr. Maxwell, okay na po ang pasyente."
"Anong nangyari? Bakit hinimatay at walan nang malay ang asawa ko?" Tanong ko dito.
"Wag po kayo mag alala, nahimatay lamang sya."
"Then why?"
"It's normal Mr. Maxwell. Congrats, you're having a heirs, 4 weeks pregnant na ang luna." Nakangiti nitong saad at kinamayan ako.
Buntis? Magkakaanak na ako? Magiging daddy na ako? Yes...
'Mom, dad... Magkaka anak na ako. Whoooo...'
Mind link ko sa kanila.
Nakaupo lang ako sa tabi ni Mae ng magkamalay sya.
"Zeke? Anong nangyari?" Tanong nya.
"Hinimatay ka love. Kaya sinugod kita dto."
"Bakit naman? Ano sabi ng doktor?" Nag aalala nyang tanong.
"Wag ka mag alala love, ang sabi ni Dok, normal lang daw na himatayin ka kasi 4 weeks ka ng buntis.. Magkaka anak na tayo." Nakangiti ang excited kong sabi sa kanya.
"Ah buntis lang pala ako e.. W-what? Buntis? Tama ba rinig ko?,buntis ako love?" Tanong nya sa akin.
Kaya namn nginitian ko sya ng malapad at niyakap ng mahigpit.
"Tara na, kailangan mo ng magpahinga." Pagaaya ko sa kanya at inalalayan sya sa pag pasok sa kotse.
Mae's POV
Tatlong buwan na ng malaman naming buntis ako at pang apat na month na ngayon.
At dahil may dugong werewolf ang baby ko, ang sabi nila ang mga werewolf daw ay may hanggang 5 months ang pagbubuntis hindi tulad sa mga tao.
Kaya naman malaki na ang aking tyan. Lalo na at kambal ang aming hinihintay.
Sa susunod na buwan na ang kapanganakan ko kaya ito ngayon si Zeke todo ang pag aaruga. At kung mataranta ay akala mo sya ang nagbubuntis. Ang cute nyang tingnan. Hahaha
Nasa opisina sya ngayon dito sa pack house.
At kapag nasa trabaho si Zeke ay sila mama ang nag aasikaso sa akin. Pati rin si Mikie na kapatid ko at si Snow at Winter.
Nandito ako sa kwarto namin nagpapahinga ng may maamoy akong masangsang.
'Rogues.' Narinig ko na sabi ng nagpakilala sa akin na Blue.
"What? Rogues? Kailangan malaman ni Zeke to." Wika ko naman.
'No need, he already knows. Let's just stay here and wait for him.'
"Okay." Nasabi ko na lamang.
Maya maya ay may nag bukas ng pinto at ito ay ang hingal na hingal na sila mama.
"Anak halika, sumama ka sa amin. Kailangan ka naming maitago." Sabi ni mama Michelle
"Si Zeke po? Nasaan? Ano na pong nangyayari?" Kinakabahan kong tanong.
'Wag kang kabahan, relax lang makakasama sa iyo yan'- blue
'Paano ako kakalma? Nasan ba si zeke' sabi ko kay blue.
"Nilulusob tayo ng mga rogues ate, at ikaw ang pakay nila para mapabagsak ang alpha." Inaalalayan ako ni Ace sa pagtayo sa kama.
"What? At ako? Iiwan natin sila dito? Hindi ako papayag. Lalaban ako kasama si Zeke." Asik ko sa kanila.
"Anak, hindi gugustuhin ni Zeke na may mangyari sa inyong mag iina nya. Kaya halika na."
Hinila nila ako sa isang secret Door. Bago pa man nila ako maipasok ay nagpalinga linga ako baka sakaling may magamit ako.
"Pasensya na pero kailangan ko kayong iligtas, bilang isang luna, kapalaran ko to. Ang makidigma kasama ang aking alpha." Agad kong sinara ang pinto at kinuha ang 2 katana na nakadisplay dito sa loob ng kwarto.
Pagkakuha ko ay sya namang pabalyang bukas ng pinto ng kwarto.
"Kung sineswerte ka nga naman oh, NANDITO ANG LUNA." Sigaw ng nagbukas ng pinto saka naman pumasok ang lalaking may mapupulang mga mata.