Chapter 19
Michael/ Zekiel's POV
Sa loob ng Isang buwan na pag iimbistiga at paghahanda para sa mga susunod na araw na maaaring maging Bloody war. May mga nilalang talaga na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.
Tulad na lamang nila Donnie, na alam kong nag-hahanda upang sumalakay sa Crescent moon pack upang pabagsakin kami. At ng iba pang tao, na dapat ay hindi na dumadagdag pa sa problema namin ni Mae. Actually ako lang dapat mamroblema dahil baka sumabok iyon sa inis at galit.
Mahirap na, ayaw kong mapahamak ang mag-iina ko.
"Love, tara na matulog please." tulad ngayon, alam kong ilang araw na nyang napapansin na iniiwasan ko sya. Patawad Love pero sa ngayon, Kailangan ko munang ayusin ang mga problema bago ko ito ipaalam sayo.
"Mauna ka Mae, Tatapusin ko lang ito." malamig kong saad dito.
"Alam mo ikaw, napapansin ko, Iniiwasan mo ako. Ano bang problema mo ha? Zeke? Siguro may iba ka na noh? Kaya ka nanlalamig sa akin. " Galit na saad nya. s**t men, sinasabi ko na nga ba e.
'Love , huminahon ka lang please. dito na muna tayo mag-usap. please Pretend that you're mad at me.' nanlalambing kong sabi sa kanya through mind link.
'Why? what's wrong?' bakas ang pagkairita sa boses nya pero galit ang mukha nya.
'I need to do this, someone'swatching us. Ang advantage lang natin ay hindi niya alam na nakakapag-usap tayo through our mind.' paliwanag ko sa kanya.
'What? who's that someone? Ibig mong sabihin ay tao yang tinutukoy mo? Kalaban ko ba iyan Love? sa Organisasyon?' nag-aalala nyang tanong.
'No, love. Kalaban ko. And his blackmailing me na mapapahamak ka sa oras na suwayin ko ang nais nya. Kaya please Love, mag tiwala ka lang sa akin.'
'Okay'
"Fine, KUNG AYAW MO PANG MATULOG. EDI WAG. WAG KANG TATABI SA AKIN." voice out nya sabay labas ng office ko.
'Good Night love. I love you.'
'I love you too.' inaantok na sabi nya.
Ang swerte ko dahil binigyan ako ni Moon Goddessess ng mate na tulad nya.
Mae's POV
Kung ano man ang dahilan nya kung bakit nya ako kailangang Iwasan, ay bahala na sya. May tiwala naman ako sa kanya.
Isang buwan nalang at manganganak na ako. I'm so excited na . Hahaha
Nandito nga pala ako sa mall para tumingin-tingin ng mga gamit ng babies ko.
"Look who's here. Kamusta Mae? Nag-eenjoy ka bang kasama si Michael ngayon? Well, Lubus-lubusin mo na dahil sa mga susunod na araw ay mapapasa-akin na rin sya." nakangisi nyang sabi. -_-
"Lubusin mo na ang pag-de day dream mo Erin. Dahil walang mapapa-sa'yo." Cold kong sabi at tinalikuran sya.
"Hindi lang pala sa Halikan magaling ang asawa mo. Pati rin pala sa Kama." malandi nyang sabi.
Ginagalit talaga ako ng babaeng to ah. Magpasalamat sya dahil kahit papaano ay kinikilala ko parin sya bilang dating kaibigan.
"Wag mo akong simulan, dahil sisiguraduhin kong tatapusin ko yan ng may mawawasak na mukha." plain ko sabi.
"Oh, really? Sapalagay ko ay sa pagkakataong ito, ako ang panalo. Buntis ako 2 months na, at ang asawa mo ang ama." Dahil sa gimbal sa mga sinabi nya ay Hinablot ko ang mga buhok nya.
"Siguraduhin mo lang na totoo yang mga sinasbi mo. Dahil kung 'Oo' pareho kayong pupulutin sa dagat ng dugo." madiin kong saad sa harap ng pagmumukha nya sabay suntok sa mukha nya.
Nang makarating ako sa Bahay .
"Nasaan si Michael ?" napahinto ang isa sa mga tinatawag nilang omega dto sa bahay.
"N-nasa office nya po Luna." natatakot na sagot nya.
Kahit nahihirapan sa paglalakad dahil sa laki ng aking tyan at agad kong tinahak ang hagdan paakyat ng 2nd floor kung nasaan ang office nya.
Walang katok katok.
"Baka may gusto kang sabihin sa akin. Michael?" Cold kong tanong matapos kong buksan nang malakas ang pinto kahit na kausap nya ang kanyang Beta.
"Go ahead Beta Brent. Make sure na magiging maayos ang lahat." Dismissed nya kay Brent.
Mahabang katahimikan ang namutawi sa amin nang makalabas ng office ang beta.
"Nakasalubong ko si Erin sa mall. Alam mo ba kung anong sinabi nya sa akin huh? na Buntis sya at ikaw ang ama." Nang gagalaiti kong sabi sa kanya.
"Love, please let me explain."
"Wala ka ng dapat pang ipaliwanag. Malinaw na sa akin na niloko mo ako." Kalmado kong sabi . Hindi ko pwedeng hayaan na kainin ako ng galit ko. Ayoko na mapahamak ang mga anak ko.
"You're right. there's nothing to explain. Mabuti pa lumabas ka na muna ng office ko dahil marami pa akong gagawin." Cold nyang sabi.
Huh, akala nya ba magpapa-apekto ako sa kasalanang ginawa nya.
"Magsama kayo ng Kabit mo." sigaw ko sa kanya bago ako tuluyang makalabas.
Bwisit, at talagang hindi manlang sya nagpaliwanag.
Sobrang sakit na malamang niloko ka ng taong mahal mo at wala man lang syang balak na magpaliwanag.
Sa sobrang inis, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
~
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. 5 pm na pala. Bumangon na ako at naghilamos sa banyo.
Kusina agad ang pinuntahan ko after kong maghilamos, nagugutom na talaga ako eh.
After kong kumain ay naisipan kong dumaan sa office ni Zeke. Hihingi ako ng sorry sa ginawa kong pagsigaw kanina.
Napansin kong hindi nakasara ng maayos ang pinto kaya sumilip ako.
O.O ... Kung may nakakakita man sa akin ngayon. Sigurado akong Gulat at sakit ang makikita nya sa mukha ko ngayon.
I can't believe this is happening.
"I thought nagbago ka na. Nagkamali ako." Mahina kong sabi na alam kong narinig nilang dalawa.
"Mae, I'm sorry. I love her too Mae." ' I Love you so much Love, please bare with this.'
Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nila.
Pak ....Bogs....
Isang sampal at suntok ang ibinigay ko kay Erin.
"Sana ito na ang huli nating pagkikita Erin. Dahil sa susunod na makita pa kita. Hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sayo." Plain kong sabi sa kanya.
Alam ko sa sarili ko na lumuluha ako sa harap nila. Kahit napakalamig ng boses at tinig na ibinibigay ko sa kanila.
Isang mag-asawang sundok ang binigay ko sa pinakamamahal kong Mate. Isa sa mukha at sa sikmura.
"Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo. Magsama kayo ng Mahal mo." tinalikuran ko sya kaya naman ang mukha ngayon ni Erin ang nakita ko.
"b***h, go to hell." sambit ko sa kanya ng lalampasan ko sya. Sinigurado kong makakaramdam sya ng Takot.
Dumeretso ako sa Kwarto namin at kumuha ng mga gamit ko. Pagkatapos kong mag-impake, wala akong sinayang na oras at agad na sumakay sa isa sa mga kotse nya dto sa pack house.
Michael/ Zekiel's POV
This set up is really pissing me off. Kung hindi dahil sa set up na ito. Hindi sana mahihiwalay sakin ang mag-iina ko.
'Jess, please look after her."
'Yes Alpha.'
4 na oras na mula ng umalis sya dto sa pack house. Kaya naman ay nag asikaso na ako ng sarili at tinahak ang kakahuyan sa likod ng pack house upang makarating sa kinaroroonan ng mate ko.
"Alpha." nagbigay galang sa akin si Jess.
"Ako na munang bahala sa kanya. Magmatyag ka lang sa paligid."
"Masusunod po."
Pumasok na ako sa loob ng bahay at tinungo ang silid kung nasaan si Mae.
Tinabihan ko sya sa kama at niyakap. Naramdaman ko namang nagising sya.
"What are you doing here?" inaantok na tanong nya.
"I'm really sorry for what happened sa bahay kanina Love."
"I understand but I can't stop myself to get mad. Nabubwisit na talaga ako jan sa kalaban mo ah. Pagnalaman ko kung sino yan. Uunahan kita sa pagpaslang jan. Hehehe"
"I Love you Love. Matulog ka na ulit. Dito lang ako sa tabi mo." pagkasabi ko nun ay hinalikan ko sya sa kanyang noo.
Naramdaman ko nalang na lumalim na ang paghinga nya.
"Pangako, poprotektahan ko kayo kahit buhay ko pa ang kapalit."
Pangako ko sa sarili ko at pumikit narin upang matulog.
*Meryy Christmas and Advance Happy New Year.*