Chapter 20
Michael’s POV
1 month ang nakalipas at ilang araw nalang ay maaari nang manganak si Mae. Kailangan ko nang tapusin ang problema ko sa Erin na ito. Ayokong manganak si Mae ng hindi ako kasama. -_-
“Hey babe, what are we doing in here?” maarteng tanong ni Erin habang naglalakad kami papunta sa floor kung nasaan ang lalaking iyon. Padabog kong binuksan ang pinto nang kanyang office.
“Whoa, I didn’t expect your visit today Mr. Maxwell. How may I help you?” nakangiti nyang saad sa akin.
“Let’s get straight to the point, Mr. Panner. Tantanan mo na kami ni Mae.” Cold kong sabi.
“Hmm, Mahirap iyang pinapagawa mo Maxwell, o baka naman gusto mo ikaw nalang ang Lumayo sa kanya at hayaan kaming mabuhay ng masaya. Oh, don’t forget to bring your bastard child sa impyerno.” Nanggigigil nyang sabi sabay atake sa akin.
“Ang lakas ng loob mong pumunta ditto sa teritoryo ko nang hindi man lang nagsama ng kahit isa sa mga bodyguards mo?” Nang-aasar nyang sabi.
“I don’t need them, I can protect myself from you PSYCHO” agad ko syang binigyan ng malakas na suntok sa sikmura dahilan para dumura sya ng dugo.
“How dare you hurt me?” nanggagalaiti nyang sabi at muling umatake sa akin. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya hanggang sa mapagod sya tsaka ko sya binigyan ng isang suntok sa pisngi.
“Hindi mon a mababago ang lahat, Panner. Kami ang nakalaan para sa isa’t isa. Maniwala ka man o hindi. Kaya hayaan mo nalang kami ni Mae at ng mga anak namin.” Mahinahon kong pakiusap sa kanya.
“No, I won’t stop hanggat hindi napapa sa akin si Mae, She’s only for me and mine alone.” Galit nyang tugon at umatake, Iniwasan ko lamang ito tsaka ko sya sinalag ang kanyang kamay at pinaikot ko ito patalikod at pinaluhod.
“Tama na, tanggapin mo na lang na hindi lahat ng nais mo ay mapapasayo. Sa tingin mo ba, kung mapapatay moa ko ngayon at mapapasayo si Mae ay magiging masaya sya sa piling mo?”
“Wala akong paki-alam, ang nais ko lang ay mapasa-akin sya.” Panner.
“Kakayanin mo bang makitang nasasaktan siya dahil hindi nya kapiling ang totoong mahal nya? Kakayanin mo bang makitang nasasaktan sya dahil ikaw mismo ang nagpapahirap sa kanya? Pareho lamang kayong masasaktan. Masasaktan mo sya dahil ilalayo mo ako sa kanya at masasaktan ka dahil kahit anong gawin mo ay hindi ka nya magagawang mahalin dahil sa paghihirap na pagdadaanan nya sa piling mo.” Mahaba kong paliwanag sa kanya.
-_- sa sobrang haba yata ng sinabi ko ay wala akong naintindihan.
“H-hindi, Bakit sa tuwing magmamahal ako ay hindi ako mahal ng taong mahal ko?”nanghihina nyang tanong.
“Maaaring hindi pa tama ang panahon at hindi mo pa nahahanap ang taong lubos na magmamahal sayo higit pa sa pagmamahal na ibibigay mo sa kanya. Kaya nakikiusap ako sayo, wag mo na kami gambalain dahil may mas Malaki pa kaming haharapin na laban. Ang tanging makakatulong kay Mae ay ang pagtanggap at pag-unawa po sa sitwasyon mo at namin” muli kong pakiusap sa kanya tsaka ko sya binitawan.
“My apology for the mess I made. Hayaan mo hindi ko kayo gagambalain. Maaari ngang tama ka. Hindi para sa akin si Mae.” Sa wakas, sana lang ay tuparin nya ang sinabi nya.
“Umaasa akong magiging maayos Karin at makakahanap ng tamang pagmamahal.” Nakangiti kong sabi tsaka ako tumalikod para umalis na.
“Sandali, maaari bang ihingi mo ako ng tawad kay Mae?” tumango lang ako bilang sagot at lumabas na ng kanyang opisina.
“Hay Salamat naman at natapos narin ang problema ko sa kanya. Now you’re free, Please say my sorry to Mae.” Nakangiting saad sa akin ni Erin. Nandito pa pala ang babaeng ito. Ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang dahilan nya kaya bigla syang nagbago at nagging mabait kay Mae. Dahil sa simula palang ay nagpapanggap lamang kami at hindi iyon alam ni Mae.
“Michael, pwede ba tayong mag usap sandali?” biglang sulpot ni Erin sa harap ko. Nandito ako ngayon sa university dahil magmula nang maging alpha ako ay ako narin ang namahala sa paaralan ng mga tao.
“If you’ll just gonna flirt with me, I don’t have time for that.” Iiwan ko n asana sya ngunit napahinto ako dahil sa sinabi nya.
“Nasa panganib ang buhay ni Mae at ng anak mo.” Mahina nyang sabi na para bang may ibang maaaring makarinig nito.
“That is not a good joke, so stop it right now.” Cold kong sabi dito.
“I’m not joking around. Later, someone will give you a threat na syang patunay na nasa panganib sila. Dahil kinausap nya ako upang makasabwat sya.” Mahina nyang sabi.
Sinabi nya sa akin ang lahat ng plano ni Panner, ang paikutin at akitin ako ni Erin upang mapalapit sa akin at mapaslang ako, ganun din ang plano nila sa mga anak naming ni Mae na labis kong ikinagalit. Muntik ko nang masaktan si Erin dahil sa mga sinabi nya. At simula noon ay plinano namin na paniwalain si Panner na may relasyon kami ni Erin at nagkahiwalay na kami ni Mae.
*****
3 araw ang lumipas magmula nang magkasama na ulit kami ng mate ko at tuluyan na nga kaming pinatahimik ni Panner. Isa nalang ang problema ko, ang mga rogues. Dahil hanggang ngayon ay wala parin kaming balita kung saan muling nagkukuta ang mga ito. Nasisiguro ko na may binabalak nanaman silang masama.
Nandito ako sa kwarto namin ni Mae, siya naman ay nasa banyo at naglilinis ng katawan dahil oras na ng pagtulog. Ipipikit ko n asana ang aking mata habang hinhintay si Mae nang maramdaman kong may masakit sa kanya kaya naman agad akong nagtungo sa banyo upang daluhan sya.
“Love, anong nangyayari sayo? Saan ang masakit?” Nag aalala kong tanong sa kanya.
“Argh, ma-nganganak na yata ako Love. Aaaahhhh.” Daing nya. Kaya binuhat ko na sya tsaka ko tinawag ang pack doctor namin at pinahiga ko sya sa kama namin.
Nasa kalagitnaan ng panganganak si Mae ng may maamoy akong masangsang, Damn it. Ngayon talaga nila binalak na lumusob.
“R-rouges, Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh” daing ni Mae habang pilit iniluluwal an gaming panganay.
“I won’t let them you Love, maging ang mga anak natin.” Malambing kong sabi sa kanya sabay halik sa kanyang noo at labi. Bago ako umalis sa kwarto ay mahigpit kong ipinag bilin kela Winter at Mama na dalhin sa Safe Room ang lahat.
‘Listen everyone, fight for own territory, for our family. At walang mamamatay. Lipulin ang lahat ng rouges.” I command them with full authority through our mind link. Habang nagsimula na akong makipaglaban sa mga rouges na naglalaks loob na pasukin ang pack house.
Mae’s POV
“Again, push Luna, malapit nang lumabas ang iyong panganay.” Utos sa akin ng pack dotor. Kaya kahit nahihirapan ay umire parin ako ng malakas at mahaba. After nun ay narinig ko nalamang ang iyak ng isang sanggol. Ang aking panganay, it’s a boy. Nais ko sana syang hawakan ngunit muling sumakit ang aking tyan.
“Ahhhhhhhhhhhhhhh” daing ko.
“Sige pa Luna, isang ire ng malakas ay lalabas na ang iyong pangalawang anak.” Pinagpapawisang saad ng doctor.
Kaya sinunod ko rin ang kanyang sinabi. Isang sanggol naman na babae. Beautiful, napakagandang handog ni Moon Goddesses. Hawak ko na ngayon ang aking anak na babae. Pagtingin ko sa aking panganay ay nabihisan na ito. At tila nagmamadali ang mga tao sa loob ng kwarto.
“Mae, ija halika na. Kailangan na nating umalis. Snow, tu7lungan mo ang ate mo na magbihis.” Kinuha ni Mama ang anak ko at binihisan ito.
Ngayon ay batid ko na kung bakit tila balisa ang mga tao rito. Nakalimutan kong sinusugod nga pala kami ng mga kalaban. Si Michael, kailangan nya ng tulong ko. Kahit nang hihina ay kinaya kong bumangon. Kailangan ko siyang puntaha.
Sumama ako sa kanila palabas patungo sa secret tannel para makapunta sa isang safe place dito. Bitbit nila mama ang mga anak ko. Nilapitan ko sila at isa-isa hinalikan sa noo.
“Pakiusap Mama, ingatan nyo po ang anak namin ni Michael. Kailangan ko syang puntahan. Kailangan nya ako ngayon.” Naluluha kong sabi sabay alik muli sa aking mga anak.
“Zhein Kaira and Shaun Mikael” Nakangiti kong binanggit ang kanilang pangalan at muling hinalikan. Batid kong walang kasiguraduhan kung makkabalik pa ako sa piling ng aking mga anak.
Third Person POV
Agad na tinungo ni Mae ang pinto palabas ng pack house upang sundan ang asawa at maipagtanggol ang nasasakupan. Bago sya tuluyang lubas ay kinuha nya ang isang samurai sword na nakadisplay sa sala upang magamit nya sa pakikipaglaban.
Kahit nang hihina ay pilit kinakaya upang matapos na agad ang laban na sinimulan ng mga rouges. Nakikipaglaban, iwas atake ang ginagawa nya kami tang kanyang sandang dala. Hanggang sa mapadpad siya sa kakahuyan kung saan doon mas maraming naglalaban na mga kakampi at kalaban, doon nya rin nakita ang kanyang asawa.
‘Love, please don’t get hurt.’ Mind link ni Mae kay Michael.
‘Damn, what are you doing her, Love?You’re suppose to be with our children to our safe place.’ Nag-aalalang saad nito sa mate nya.
‘I can’t just let you fight alone. I can’t leave you here. We’ll fight together para sa mga anak natin.’ Matigas na sagot nit okay Michael. Kasabay ng paglitaw ng dalawa sa pinuno ng mga rouges.