Pumasok kami sa isang kuwarto at doon palang ako bumitaw sa kaniyang kamay dahil maliwanag na sa loob. Maraming mga kababaihan na klase-klase mga hetsura. Ang gaganda nila, "Wow!" bulong ko sa aking nakikita.. "Hi Amy ..." bati sa kaniyang mga kasamahan. Pero ang lahat sa akin nakatingin. Tinitingnan nila ako mula ulo hanggang paa kaya bigla akong naiilang ng konti. Dahil pakiramdam ko, ako lang ang naiiba sa lahat. "Amy, bago ba?" tanong ng isa niyang kasamahan. "Yeah — Mag-audition pa! Mga, teh! Pinsan ko pala si, Audrey." Nagulat ako sa pagpapakilala niya sa akin ngunit nagki-ride-on na lamang ako. "Hi, Audrey ... . My name is Evangeline," pagpapakilala niya sa akin. "And I'm Chin-Chin!" sabat ng isa. "Ako rin ay magpapakilala sa'yo! I'm Shandle ... ." tumakbo siya papunt