BUONG gabi ako nag-obserba sa kanilang ginagawa at napahanga ako sa husay nilang mga galaw at ang gagaling nilang gumiling. Bago kami umalis ang binilin sa amin ni ma'am DI, ay agahan ko raw ang pagpunta bukas para sa aking rehearsal. Masaya ako sa aming pag-uwi dahil may trabaho na ako. Kahit magsimula pa ako sa maliit ng sahod ay okay lang. Pero pagsikapan ko pa rin na kikita ako ng malaki. "Kung nakaya nilang Amy, ay makakaya ko rin." bulong ko sa aking sarili. Bago kami umuwi ni Amy ay bumili muna kami ng hapunan at sinagot ni Amy ang ulam namin, dahil malaki raw ang kaniyang tip na natatanggap sa ka-table niyang kano. "Buti na lang talaga hindi kuripot 'yong puti kanina," sabi niya sa akin. "Bakit?" tanong ko habang pumipili ako ng ulam. "Kasi nagbigay ng tatlong libo." "Wow!