KABANATA 8

1015 Words

Tinanaw niya ang lalaki habang papalayo. Hindi niya maiwasang mangiti ng hindi niya namamalayan. Sino ang mag-aakalang sa hindi niya inaasahang araw ay makikita ang matagal na niyang hinahanap. Siniko siya ni Bing. "Oy, awat na sa kahahabol-tingin, friend. Kita mo, ang layo na. Gatuldok na eh. Halika na at manlilibre ka pa sa canteen," yakag na nito. Ngunit tila walang naririnig si Rada. Patuloy ito sa pagtanaw kahit hindi na nito maaninag ang bulto ni Rafael. Sa sulok ng mga labi niya ay may nakakubling ngiti habang nakasuot ang pag-asam. Ngayong kilala na niya si Rafael ay madali na lamang para sa kanya ang mga susunod na araw na makita itong muli at makausap. Sigurado siyang wala siyang sasayanging mga araw. "Malayo ang tingin wala namang tinatanaw..." si Cathy na bumanat ng kanta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD