KABANATA 9

1479 Words

Psstt! Sitsit ni Carlito kay Rafael na noo'y abala sa binabasa nitong aklat. Nag-angat ng mukha ang binata at lumingon sa likod nito. Nakangisi si Carlito na nagawa pa siyang dunggulin sa braso. "Mukhang ikaw ata ang hinahanap ni Ms. SMA," wika nito sabay nguso sa labas. Sinundan niya ng tingin ang direksyong itinuturo ng kaklase. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Natanaw niya si Rada malapit sa may bintana. Ano ang ginagawa ng dalagita sa gusali ng Agrikultura ng ganitong oras at naka-uniporme pa? Nakita niyang inilibot nito ang tingin. Hangang sa magsalubong ang kanilang mga tingin. Agad na kumaway si Rada pagkakita sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito at awtomatikong nagplaster ang ngiti sa mga labi. Agad naman siyang tumayo upang lapitan ito nang masigurong siya nga ang pakay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD