KABANATA 17

1612 Words

Nang gabing iyon ay hindi agad nakatulog si Rada. Laman ng isipan nito si Rafael. Mula pa kanina'y walang ginawa ang dalagita kundi ang balik-balikan sa alaala ang pangyayari kanina. Hindi mawala sa kanyang balintataw ang maamo subalit napakaseryosong mukha ng lalaki. Kitang-kita niya ang pagrehistro ng labis na pagkagulat sa binata nang mabungaran siya sa tahanan ng mga ito. Kung gaano niya kabilis nasabi ang pakay sa lalaki ay ganoon rin naman kabilis ang naging pagtanggi nito. Bagama't nakaramdam ng konting pagka-dismaya pagka't hindi siya sanay ng tinatanggihan ay hindi siya nagdamdam. Katunayan ay mas sumidhi ang kagustuhan niyang mahimok ang mailap na binata at maging malapit rito. Hindi mawala sa isip niya ang pagkakalapit nila ni Rafael nang bigla siya nitong hapitin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD